MELC/Kasanayan: Nasusuri ang ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong institusyong lipunan. (AP8AKD-IVi-9)
Sa araling ito inaasahan na iyong matutuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong institusyong lipunan.
Sa ilang pagtatalakay na nakapaloob sa araling ito, mauunawaan mo rin kung bakit mayroong iba't-ibang prinsipyo o paniniwala ang mga bansa lalo na sa pagpapatakbo ng kanilang gobyerno o pamahalaan.
Ideolohiya
Mga paniniwala o kaisipan na nagbigay o nagbibigay ng malaking epekto sa iba't-ibang perspektibo sa mundo at naging gabay din ito sa pagkilos ng tao, gawi at pagpapasya
Kilala si Desttut DeTracy na siyang nagpakilala ng salitang ideolohiya na may layuning maipaliwanag ang mga pagbabago sa daigdig.
Mga kategorya ng ideolohiya
Ideolohiyang Pangkabuhayan
Ideolohiyang Pampulitika
Ideolohiyang Panlipunan
Ideolohiyang Pangkabuhayan
Sentro ng kategoryang ito ang mga patakaran upang mapaunlad at mapayabong ang ekonomiya ng isang bansa
Mga halimbawa ng Ideolohiyang Pangkabuhayan
Karapatan sa pagnenegosyo
Karapatan sa pagtatrabaho o pamamasukan
Karapatan sa pagbuo ng samahan o unyon
Karapatan sa pagsiwalat ng mga hinaing o reklamo ng mga manggagawa laban sa mga kapitalista
Ideolohiyang Pampulitika
Nakasentro ang kategoryang ito sa mga hakbangin at pamamaraan na dapat sundin at gawin ng isang lider
Ideolohiyang Panlipunan
Naksentro ang karapatan ng mga mamamayan sa isang pantay-pantay na pagtrato
Mga kilalang ideolohiya na nasa uring politikal
Awtokrasya
Totalitaryanismo
Anarkismo
Konstitusyonalismo
Demokrasya
Monarkismo o Monarkiya
Komunismo
Nakakaapekto ang mga ideolohiya sa kaayusang pampulitika't pang-ekonomiya ng daigdig sa maraming paraan: nagkaroon ng digmaan dulot ng pagkakaroon ng pagkahati ng mundo sa dalawang malaking ideolohiya kung saan naging bunga nito ang cold war.
Dahil sa mga ideolohiya, naapektuhan nito ang ekonomiya, pulitkal na aspeto at pamumuhay sa iba't ibang bansa.
Nagsilbing gabay ang mga ideolohiya upang magkaroon ng matalino at rasyonal na pagpapasya ang mga tao lalo na ang mga namumuno sa gobyerno sa lahat ng hakbangin upang lalong mapayabong at mapaunlad ang pamahalaan ng isang bansa.
Ideolohiya
Mga kaisipan o paniniwala na nakaaapekto sa pananaw sa mundo at nagsisilbing batayan sa pagpapasya at gabay sa pagkilos
Si Desttut De Tracy ang siyang nagpakilala ng salitang Ideolohiya
Mga kategorya ng ideolohiya
Ideolohiyang Pangkabuhayan
Ideolohiyang Pampolitika
Ideolohiyang Panlipunan
Dahil sa mga ideolohiya
Naapektuhan ang ekonomiya, pulitkal na aspeto at pamumuhay sa iba't ibang bansa
Nagsilbing gabay ang mga ideolohiya upang magkaroon ng matalino at rasyonal na pagpapasya ang mga tao lalo na ang mga namumuno sa gobyerno sa lahat ng hakbangin upang lalong mapayabong at mapaunlad ang pamahalaan ng isang bansa
Kung ako ang Punong Barangay
Gagawin ko...
Ang ideolohiya ay mga kaisipan o paniniwala na nakaaapekto sa pananaw sa mundo at nagsisilbing batayan sa pagpapasya at gabay sa pagkilos