ESP-9 Q4 QUIZ

Cards (100)

  • ano ang english ng mag-isip
    intellect
  • ano ang english ng kilos-loob
    freewill
  • Mula sa pananaw ni _____________________ tungkol sa pagiging indibidwal ng tao na tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo, at itong buhay-na-mundo ay nabubuo naman sa pakomunikasyon ng kaniyang mga kasapi. Dagdag pa niya, nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
    Jurgen Habermas
  • Mula sa pananaw ni Jurgen Habermas tungkol sa pagiging indibidwal ng tao na tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo, at itong buhay-na-mundo ay nabubuo naman sa pakomunikasyon ng kaniyang mga kasapi. Dagdag pa niya, nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ito ay ___________ sapagkat may kinalaman ito sa magandang buhay para akin, atin at sa lipunan at moral dahil ibinibigay nito kung ano ang mabuti para sa lahat.
    pananaw na etikal
  • Gamit ang ________ nakapipili tayo sa mga pagpipilian ng mabuti/masama
    Kilos-loob
  • Ang kabataan na nais ng kalayaan, ay kailangan __________
    maikintal sa isip ang kaniyang kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kaniyang pagpili
  • Ito ay may kinalaman sa magandang buhay para sa akin, sa atin at sa lipunan at moral dahil ibinibigay nito kung ano ang mabuti para sa lahat.
    pananaw na etikal
  • Ano-ano ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at isports?
    1. talento
    2.Kasanayan
    3.Hilig
    4.pagpapahalaga
    5. mithiin
  • Ito ang isang katangiang taglay ng tao na pambihirang makikita sa iba. Ito ay biyayang galing sa Diyos kayat dapat itong tuklasin, linangin at ibahagi sa iba.
    Talento
  • Sino ang bumuo ng Multiple intelligences?
    Dr. Howard Gardner
  • Ano-ano ang mga 9 multiple intelligences ayon kay Dr. Howard Gardner?
    Visual/spatial
    verbal/linguistic
    mathematical/logical
    bodily/kinesthetic
    musical/rhythmic
    intrapersonal
    interpersonal
    existential
    naturalistic
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ay ang talino sa paningin, direksiyon at pag-aayos ng ideya
    Visual/Spatial
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ang talino sa numero, paglutas ng suliranin, pangatwiran at lohika?
    mathematical/logical
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ay ang talino sa binibigkas o isinusulat na salita
    Verbal/linguistic
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ang talino sa paggamit ng katawan at interaksiyon sa kapaligiran
    Bodily/kinesthetic
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ang talino sa pag-uulit, ritmo o musika
    Musical/ Rhythmic
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ang talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban
    Intrapersonal
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan di lamang tungkol sa kalikasan kundi sa lahat ng larangan
    Naturalistic
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na ang talino sa interaksiyon at pakikipag-ugnayan sa ibang tao
    Interpersonal
  • Ito ang uri ng multiple intelligence na talino sa pagkakaugnay ng lahat sa sansinukob paglapat at pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan
    Existential
  • Ito ang makhalagang salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o kurso. Ito din ang mga bagay kung saan tayo ay mauhsay o magaling. Madalas ito iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan o kahusayan
    Kasanayan (skills)
  • Ano-ano ang mga career planning workbook?
    1. kasanayan sa pakikiharap sa mga tao (people skills)
    2. kasanayan sa mga datos (data skills)
    3. kasanayan sa mga bagay-bagay (things skills)
    4. kasanayan sa mga ideya at solusyon (ideya skills)
  • Ito ay uri ng kasanayan sa careeer planning workbook na lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhain paraan.
    Kasanayan sa mga ideya at solusyon (idea skills)
  • Ito ay uri ng kasanayan sa careeer planning workbook na nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod, at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.
    Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao(people skills)
  • Ito ay uri ng kasanayan sa careeer planning workbook na nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions
    Kasanayan sa mga bagay-bagay (things skills)
  • Ito ay uri ng kasanayan sa careeer planning workbook na humawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kaniya.
    Kasanayan sa mga datos (data skills)
  • Ang _________________ ay nasasalamin ito sa paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya
    Hilig
  • isang sikolohista na si ______________ hinati niya ang mga job/careers/work environments, ito ang sumusunod: realistic, investigate, artistic, social, enterprising at convetional
    John Holland
  • 3 kombinasyon sa kategorya ng hilig o interes ng isang tao, halimbawa nito ay ang
    ESA (enterprising, social and artistic) ISC (Investigate, social and convetional)
  • Ano-ano ang mga jobs/careers/work environments na hinati ni john holland sa 6
    realistic
    enterprising
    social
    investigate
    artistic
    conventional
  • Ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhain kamay o gamit ang kasangkapan kaysa makihalubulo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon. Ang mga taong realistic ay matapang at praktikal, mahilig sa mga gawaing outdoor
    Realistic
  • Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya dito ay pangagham. Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong mag trabaho nang mag-isa kaysa gumawa kasama ang iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pangagham, isa na rito ang mga pananaliksik. Mapanuri, malalim, matatalino at taskoriented ang mga katangian nila
    Investigate
  • Ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular at responsable. Gusto nila ang interaksyon at pinaliligiran ng mga tao. Madalas na mas interesado sila sa mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain, kung saan mabibigyan sila ng pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, tumulong at mag-asikaso
    Social
  • Ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nasisiyahan ang mga nasa ganitong interes sa mga sitwasyon kung saan nakararamdam sila ng kalayaan na maging totoo, nang walang anumang estrukturang sinusunod at hindi basta napipilit na sumunod sa maraming mga panununtunan. Nais nila ang gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat at iba pa.
    Artistic
  • likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals. Ang mga taong may mataas na interes dito ay madalas na masigla, Nangunguna at may pagkusa at kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensya
    Enterprising
  • Ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes dito ay naghahanap ng mga panuntunan at direksyon; kumikilos sila nang ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila. Sila ay maaaring, mapanagutan at mahinahon. Masaya sila sa mga gawaing tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organisado ang record
    Conventional
  • Tumutukoy ito sa pagbibigay importansiya, maaaring sa tao, bagay, katangian, paniniwala o pangyayari na maaaring maging konsiderasyon sa pagpili ng tracl/ kurso
    Pagpapahalaga (values)
  • Ito ang latin na salita na nangangahulugang matatag/malakas o pagkakaroon ng kabuluhan sa buhay.
    Valere
  • ang pagpapahalaga ay may kalakip na __________ at _______________
    kaalaman at pagsasanay
  • Ito ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay?
    mithiin