FPL

Cards (108)

  • Akademikong Pagsulat
    Mga pormal na sulatin, ulat, eksperimento, imbestigasyon, pagsusuri o kritisismo, rebyu, pamanahong papel, tesis, disertasyon, sanaysay tungkol sa kasaysayan, manwal, at mapanuring sanaysay
  • Malikhaing Pagsulat
    Paglikha ng tula, dula, nobela, maikling kuwento, at malikhaing sanaysay (creative non-fiction)
  • Ang mambabasa ng mga akademikong sulatin ay mga guro, mag-aaral, mananaliksik, at mga kapwa iskolar at kritiko
  • Akademikong Pagsulat
    • Mas lantad ang organisasyon at estruktura, ginagabayan ng mga teorya at pormal ang tono, gumagamit ng pormal na wika, sumasailalim sa istriktong kombensiyon ng pagbabantas, pagbabaybay, at gramatika
  • Estruktura ng Akademikong Sulatin
    1. Simula (papaksain, kahalagahan, layunin)
    2. Gitna (pangunahing pahayag, pagtalakay, pagsusuri, ebalwasyon)
    3. Wakas (buod, rekomendasyon)
  • Sanggunian
    Pagkilala sa mga sinangguni at ginamit na saliksik ng manunulat, nagsisilbing pansuporta o ebidensiya sa mga pahayag
  • Estilo ng Akademikong Pagsulat
    • Obhetibo, tiyak at malaman ang mga impormasyon, pormal ang wikang ginagamit, iniiwasang gumamit ng balbal na wika, kumbersasyonal na tono, at mga tandang padamdam
  • Kredibilidad
    Ang mga ideya o pananaw ay sinusuportahan ng mga ebidensiya at ang mga ginamit na aklat, artikulo, at mga pag-aaral ay kinikilala ng manunulat
  • Mahalaga ang kredibilidad ng mga sanggunian
  • Iwasan ang opinyon o emosyonal na pahayag lamang, at ang paggamit ng unang panauhan sa pagsulat
  • Makatutulong ang paggamit ng ikatlong panauhang pananaw sa mga sulatin
  • Upang higit pang magkaroon ng kredibilidad ang akademikong sulatin, marapat ding ipinaliliwanag at sinasaliksik ang ideyang inihahapag
  • Hindi katanggap-tanggap ang opinyon o emosyonal na pahayag lamang kahit pa ipinapalagay ng manunulat na kaagad mauunawaan ng mambabasa ang kaniyang sariling posisyon sa mga isyu
  • Mga paraan na iwasan sa pagsusulat ng akademikong sulatin
    • Sa aking palagay...
    • Naniniwala ako...
    • Sa aking pagkaalala...
  • Kailangan ding iwasan ng manunulat na laging binabanggit ang sarili sa akademikong sulatin o ang paggamit ng unang panauhan sa pagsulat
  • Ikatlong panauhang pananaw
    Makatutulong sa mga sulatin
  • Mga dapat iwasan sa pagsulat ng mga akademikong papel
    • Maraming paglalarawan o deskripsiyon at kulang sa pagsusuri o analisis
    • Mahinang estruktura ng mga pangungusap at talata
    • Paggamit ng impormal na wika tulad ng kumbersasyonal na wika, kolokyal, at balbal
    • Paggamit ng maraming sipi na hindi na makita ang orihinal na pananaw ng mananaliksik
    • Maling paggamit ng mga sipi
    • Kakulangan sa sanggunian
    • Maling paraan ng pagkilala sa mga sinangguning teksto
    • Pag-angkin ng ideya ng iba nang walang anumang pagkilala sa orihinal na awtor
    • Hindi epektibong pagkakahulugan (paraphrase) sa ibang pangungusap
  • Tala sa may-akda o bionote
    Pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may-akda
  • Mga pagkakataon kung saan hinihingi ang tala sa may-akda
    • Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya
    • Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
    • Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog
    • Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship
    • Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal
    • Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng kaniyang aklat o anumang publikasyon
    • Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik
  • Dahil ang tala sa may-akda ay isang buod, mahalagang piliin ng may-akda ang pinakamahahalagang bahagi mula sa kaniyang biodata o curriculum vitae
  • Kinakailangan ito upang makilala ng mga mambabasa ang kakayahan ng manunulat
  • Bukod sa pagpili ng mga bahagi, kinakailangan ding may kaugnayan ang mga impormasyon sa bionote sa paksaing taglay ng isang publikasyon
  • Mga impormasyon na hindi na kailangang tukuyin sa bionote
    • Mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain ng dyornal o antolohiya
    • Ang mga impormasyon kung saan nag-aral ng pre-school hanggang hayskul ang isang manunulat
    • Ang pagkakuha ng Loyalty Award o kaya ay Best in Poster Making Contest noong nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan
  • Mga nilalaman ng maikling tala sa may-akda
    • Pangalan
    • Pangunahing trabaho ng may-akda
    • Edukasyong natanggap ng may-akda (antas batsilyer hanggang antas gradwado)
    • Mga akademikong karangalan gaya ng Latin honors (cum laude hanggang summa cum laude), Beit Thesis, o scholarship na naramo bilang mag-aaral
    • Mga premyo o gantimpalang natamo na may kaugnayan sa paksain ng dyornal o antolohiya
    • Dagdag na trabaho ng isang may-akda bukod sa kaniyang pangunahing posisyon
    • Organisasyong kinabibilangan
    • Mga tungkulin sa pamahalaan o komunidad
    • Kasalukuyang proyekto
    • Mga detalye sa pakikipag-ugnayan gaya ng e-mail address
  • Mahabang uri ng tala sa may-akda
    Kadalasan, ito ay isinusulat bilang prosang bersiyon ng isang curriculum vitae
  • Mga pagkakataon kung saan ginagamit ang mahabang uri ng tala sa may-akda
    • Entri sa ensiklopedya
    • Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng Buhay ng mga Manunulat sa Pilipinas
    • Tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor
    • Tala para sa mga hurado ng isang lifetime achievement award
    • Tala para sa administrador ng paaralan
  • Ang Sa Sariling Bayan: Apat na Dulang May Musika, isang antolohiya ng dramang pangmusika ni Lumbera, ay inilathala ng De La Salle University Publishing House noong 2004
  • Mga aklat, antolohiya, at mga aklat-batayan na isinulat ni Lumbera
    • Muling Pagsusuri
    • Paghahanda sa Pagtuturo
    • Panitikan ng Pilipinas: Isang Kasaysayan at Antolohiya
    • Pagsusulat ng mga Pilipino: Panitikang Pilipino mula sa mga Rehiyon
    • Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo
  • Mga gawad na natanggap ni Lumbera
    • Gawad Palanca para sa Panitikan (1975)
    • Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan, at Malikhaing Sining Pangkomunikasyon (1993)
    • Mga Gawad Pambansa sa Aklat mula sa Pangkat ng mga Tagapuna ng Maynila
    • Parangal na Pampanitikang Sentenyal ng Pilipinas (1998)
    • Sanghayang Sentenyal ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas para sa Sining (1999)
  • Mga posisyon na naganap sa buhay ni Lumbera
    • Patnugot ng Sanghaya (Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura)
    • Propesor sa Kagawaran ng Ingles sa Paaralan ng Katuruang Pantao ng Pamantasang Ateneo de Manila
    • Propesor na Emeritus sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Dalubhasaan ng Sining at Panitikan, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
    • Propesor ng Panitikan sa Pamantasang De La Salle-Maynila
    • Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers
  • Bionote
    Pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may-akda
  • Karaniwan ang bionote ay nakasulat sa ikatlong panauhan
  • Mga dapat isama sa bionote
    • Kasalukuyang posisyon sa trabaho
    • Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho
    • Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay na akda tulad ng mga sining-biswal, pelikula, pagtatanghal
    • Mga listahan ng parangal na natanggap
    • Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring natamo at kung saan ito natanggap
    • Mga natanggap na training at nasalihang palihan
    • Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho
    • Mga kasalukuyang proyekto
    • Mga gawain sa pamayanan o sa bayan
    • Mga gawain sa samahan o organisasyon
  • Kinakailangang siksik at malaman sa impormasyon ang isang tala sa may-akda o bionote
  • Kinakailangang pangalan ang simula nito. Nagsisimula ang bionote sa pangalan ng taong tinutukoy nito
  • Nakasulat ito sa ikatlong panauhan
  • Mahalagang may kaugnayan ang nilalaman ng isang bionote sa paksain ng isang publikasyon
  • May dalawang uri ng bionote ayon sa hinihingi ng pagkakataon-ang maikli ngunit siksik, at ang mahaba na maihahalintulad sa isang entri ng ensiklopedya
  • Mahalaga ang bionote upang ipakilala ang kakayahan ng sarili bilang may-akda o mananaliksik
  • Mahalagang piliin ng may-akda ang mga pinakatumatak sa kaniyang karera upang itampok sa kaniyang bionote