pag-unlad - tumutukoy sa pangkalahatang pagpapabuti ng kalagayan ng buhay ng mga mamamayan
klasikal na teorya - pinahahalagahan nito ang masiglang ekonomiya sa pagpapaunlad ng isang bansa
teoryangpapelngpamahalaan - nakatuon ang modelong ito sa kahalagahan ng pamahalaan bilang kritikal na puwersa sa pagsusulong ng pag-unlad sa isang bansa
teoryang panlipunan - sa ilalim nito, ang pangunahing batayan ng kaunlaran ng isang bansa ay ang kalagayan ng mga mamamayan nito
teoryang institusyonal - umiikot sa pag-aaral ng ugnayan ng iba't ibang institusyon sa isang lipunan. ayon sa pananaw na ito, masasabing maunlad ang isang bansa kapag maayos na nagtatrabaho at nagtutulungan ang malalaki at maliliit na sektor ng lipunan
HumanDevelopmentIndex - isang estadistikang sumusukat sa lebel ng pag-unlad ng isang bansa batay sa iilang mga salik
MilleniumDevelopmentGoals - layunin nito na magsilbing gabay sa mga bansa upang mabantayan ng mga ito ang kani-kanilang progreso tungo sa mga adhikain ng UN Millenium Declaration
Sustainable Development Goals - inaasahang makakamit ito bago matapos ang 2030. layunin nito na ituloy, tapusin, at paigtingin ang mga nasimulang hakbang at programang tutugon sa kahirapan at iba pang usaping hinarap ng MDG
likas-kayang pag-unlad - tumutukoy sa pag-unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan nang hindi nagsasakripisyo ang kapaligiran
Philippine Agenda 21 - pambansang tugon sa hamon ng pagsusulong ng likas-kayang pag-unlad
Gross National Happiness - panukat na naglalayong malaman ang mga salik na nagpapasaya sa mga mamamayan para maging gabay ng pamahalaan upang lalong mapabuti ang kalagayan ng mga tao
Positive Experience Index - isang panukat na ginagamit ng organisasyong Gallup News sa kanilang Global Emotions Report. natutukoy batay sa pakikinayam sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa upang alamin ang kanilang positibo at negatibong karanasan sa pang-araw-araw
Philippine Development Plan - ang mga hakbang na isinasagawa ng ating pamahalaan upang makamit ang kaunlaran