pagtutukoy

Cards (11)

  • Rice Share Tenancy Act - ito ay ipinatupad upang ayusin ang ugnayan ng mga magsasaka at mga may-ari ng lupa. itinakda ng batas na ito na magkaroon ng kasunduan ang dalawang panig, na maghahati sila sa ani ng mga sakahan at hindi maaring paalisin ang mga magsasaka
  • National Resettlement and Rehabilitation Administration - binuo ito upang mapabilis ang pamamahagi ng mga lupain sa mga magsasakang walang sariling lupa
  • Land Reform Code - nagtakda din ang batas na ito ng isang sistemang leasehold na magbabayad ang mga magsasaka ng takdang upa sa may-ari ng lupa para magamit ang lupain
  • Atas ng Pangulo Bilang 2 at 27 - ang mga may-ari ng lupa ay maaring humawak ng hanggang pitong ektarya lamang. ang mga magsasaka ay maaring makakuha ng mula tatlo hanggang limang ektaryang lupain
  • Comprehensive Agrarian Reform Program - ang mga may-ari ng lupa ay bibigyan ng hanggang limang ektaryang lupain at ang nalalabing mga lupain ay ipamamahagi sa mga magsasaka
  • Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms - nagtakda ang batas ng karagdagang limang taon upang lubos na maipatupad ang mga layunin ng CARP
  • Revised Forestry Code of the Philippines - itinakda ang batas na kailangang kumuha ng permiso ng mga indibidwal at negosyong nais kumuha o gumamit ng mga yamang-gubat
  • Philippine Fisheries Code of 1998 - ang batas ay nagtatakda ng mga tuntunin hinggil sa wasto at mahusay na paggamit ng mga yamang-tubig at pangangalaga sa mga anyong tubig na napagkukunan ng mga isda at iba pang yamang-tubig, kabilang na rin ang mga lupaing ginagamit para sa mga palaisdaan
  • Build-Operate-Transfer - sa ilalim ng programang ito, kinokontrata ng pamahalaan ang pribadong sektor upang magtayo ng mga impraestraktura at binibigyang kapangyarihan ang mga kompanya upang patakbuhin ang mga ito hanggang sa panahong mabawi ng mga kompanya ang gastusin sa pagtatayo
  • Mining Act of 1995 - ang mga kompanya ng pagmimina ay kinakailangang tumupad sa ilang kondisyon bago mabigyan ng permiso na magmina sa bansa
  • Electeric Power Industry Reform Act - layunin ng batas na ito na mas mapabilis ang pagtatayo ng mga kinakailangang impraestraktura upang magkaroon ng kuryente ang lahat ng panig ng bansa