aksiyon -isang uri ng pelikula na nagpapakita ng eksena na sumasailalim sa matagalan habulan at labanan
drama -nakasentro ang ganitong uri ng pelikula sa personal na suliranin na nagtutulak na paiyakin ang manonood
katatakutan -naglalayon takutin ang mga manonood at kadalasan ang tema nito ay mapanglaw na sobrenatural at supernatural
komedya -nagsasaad ng kasiyahan o katatawanan sa manonood
pantasya -ang tema nito ay hinggil sa mahika,mga kakaibang pangyayari o mga mundong ginagalawan ng mga prinsipe at prinsesa
musikal -ang bidang babae at lalaki ay nagsisipag-awitan at nagsasayawan
pag-ibig -may nakakakilig na iskrip at umiikot sa pag-iibigan ng mga tauhan
historikal -nakabase sa tunay na pangyayari sa kasaysayan
animasyon -gumagamit ng mga larawan o drowing na nagmumukhang buhay ang mga bagay na walang buhay
almanac -aklat na naglalaman ng pinakabagong impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan at mga pangyayari sa isang bansa,rehiyon,sa loob ng isang lugar
atlas -aklat ng mga mapa,naglalaman din ng mga impormasyon tulad ng populasyon,lawak,lokasyon,anyong tubig at anyong lupa
encylopedia -set ng mga impormasyon tungkol sa sari-saring paksa at artikulo tungkol sa ibat-ibang tao,bagay,hayop at pangyayari.ito ay nakaayos ng paalpabeto
diksiyonaryo -aklat na pinagkukunan ng kahulugan,baybay,pagpapantig,bahagi ng pananalita at pinanggalingan ng mga salita,nakaayos ng paalpabeto
globo -modelo ng mundo na nagpapakita ng tiyak na posisyon ng mga lugar sa daigdig
magasin -publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,kuwento,larawan,anunsiyo,at iba pa na kalimitang pinopondohan ng mga palatastas
mapa -palapad na representasyon ng daigdig o bawat lugar sa daigdig
pahayagan o diyaryo -isang uri ng nakalimbag na babasahin na naglalaman ng balita,impormasyon,at patalastas at kadalasang inilalathala nang araw-araw
teksbuk -aklat na ginagamit sa paaralan at sa bawat asignatura