4th Quarter AP

Cards (17)

  • People Power Revolution (Kilala rin bilang EDSA Revolution at Philippine Revolution of 1986)
  • Tinawag din itong Yellow Revolution dahil sa paggamit ng mga mamamayang dumalo sa demonstrasyon ng dilaw na laso matapos ng asasinasyon ni Ninoy Aquino.
  • Karamihan sa mga demonstrasyon ay naganap sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) sa Kalakhang Maynila mula Pebrero 22-25, 1986.
  • Tinatayang dalawang milyong Pilipinong Sibilyan ang nakibahagi sa rebolusyon.
  • Bumuo ang Armed Forces Movement ng isang plano ng kudeta laban kay Pangulong Marcos.
  • Ayon sa plano, pangungunahan ni Lt. Col. Gregorio Honasan ang pangkat na lulusob sa Palasyo ng Malacanang.
  • Inilantad niya sa lokal at internasyonal na mamamahayang ang mga nahuling rebelde tulad nina Major Edgardo Doromal at Major Saulito Aromin.
  • Agrarian Reform Pangkalahatang tawag sa mga batas, patakaran, at programang nauukol sa pagsasaayos ng pag mamay-ari at distribusyon ng mga lupang sakahan lalong-lalo na sa mga mahihirap na magsasaka.
  • Nagsimula ang administrasyon ni Corazon "Cory" Aquino noong Pebrero 25, 1986 at nagtapos noon Hunyo 30, 1992.
  • Sa bisa na ipinalabas na Proclamation No. 3, itinatag ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at pansamantalang ipinairal ang 1986 Freedom Constitution.
  • Binigyang-diin sa Saligang-Batas ng 1987 ang kalayaang sibil, karapatang pantao, at katarungang panlipunan na siya namang magiliw na sinang-ayunan ng maraming mamamayang Pilipino.
  • Itinatag ng pamahalaang Aquino ang Asset Privatizaton Trust noong 1986 upang ipagbili at mabawasan ang mga negosyong pag-aari ng pamahalaan at mga ari-ariang kontrolado nito sa pribadong mamamayan.
  • Bilang tugon sa panawagan ng repormang agraryo, ipinalabas ni Pangulong Aquino ang Presidential Proclamation 131 at Executive Order 229 noong Hulyo 22. 1987 na bumalangkas sa kaniyang programa ukol sa reporma sa lupa kung saan isinama maging ang mga plantasyon ng tubo,
  • Noong 1988, sa suporta ng Pangulo, ipinasa ng bagong Kongreso ng Pilipinas ang Republic Act No. 6657 na mas kilala bilang Comprehensive Agrarian Reform Law.
  • Nagresulta ang negosasyong ito sa Treaty of Frienship, Peace and Cooperation sa pagitan ng USA at Pilipinas.
  • Nagwang makipag-usap ni Pangulong Aquino sa apat na punong ministro ng Japan mula kay Punong Ministro Yasuhiro Nakasone hanggang kay Punong Ministro Kiichi Miyazawa.
  • Nagpahayag din ng pakikidalamhati ang pamahalaan ng Japan sa mga naging biktima ng trahedya sa MV Dona Paz.