MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA KATOTOHANAN

Cards (28)

  • ANG MISYON NG KATOTOHANAN
    -Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.
    -Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan.
    -Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin.
    -Ang sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan sa buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.
  • FR. ROQUE FERRIOLS: "Tahanan ng mga Katoto" (1)

    -Ibig sabihin, may kasama ako na makakita o may katoto ako na makakita sa katotohanan. Mahalaga na makita ng bawat tao ang katotohanan mula sa pagkakakubli na lumilitaw mula sa pagsisikap niya na mahanap ito. Hindi ito maipagkakait sa kaniya dahil bilang tao siya ay may kakayahan na kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral.
  • FR. ROQUE FERRIOLS: "Tahan ng mga Katoto"(2)

    -Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na maging mapagpahayag ang bawat isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan lalo na sa pakikipagtalastasan. Higit pa rito, nagaga,it ito bilang imnstrumento sa pag-alam ng katotohanan.
  • ANG IMORALIDAD NG PAGSISINUNGALING
    -Ayon kay Simbajon Jr. et al (2011), ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.
  • 3 URI NG KASINUNGALINGAN
    1.Jocose Lie
    2.Officious Lie
    3.Pernicious Lie
  • Jocose Lie
    -isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan/tawanan ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling
    Halimbawa: Pagkukwento ng isang nanay tungkol sa Santa Claus na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging masunurin at mabait nito.
  • Officious Lie
    -ipapahayag upang maipagtanggol ang sarili o kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling ang atensyon. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan
    Halimbawa: ang isang mag-aaral na idinahilan ang kaniyang pagliban sa klase nang nakaraang araw dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama, na ang totoo'y noong nakaraang taon pa yumao.
  • Pernicious Lie
    -ay naganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
    Halimbawa: Pagkakalat ng maling bintang kay Pedro ng pagnanakaw niya sa wallet ng kaniyang kaklase na hindi naman siya kumuha nito
  • ANG LIHIM
    -Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat.
    -Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at bhindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng btaog may-alam dito.
  • 3 URI NG LIHIM NA HINDI BASTA-BASTA MAAARNG IHAYAG:
    1.Natural Secrets
    2.Promised Secrets
    3.Committed or entrusted secrets
    a.Hayag
    b.DI hayag
  • Natural Secrets
    -ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral na kapag nabulgar ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa't isa. Halimbawa: Ang pagtatago ng isang maambisyong babae na isa siyang ampon na pinipilit pagtakpan ang kaniyang nakaraan. Ito ay maaaring magdulot ng kahihiyan sa kaniyang pagkatao.
  • Promised Secrets
    -ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na.
    Halimbawa: Paglihim sa isang sinisimulang magandang negosyo hangga't hindi pa ito nagtatagumpay. Hindi rin sinasabi ang mga mahahalagang detalye at impormasyon kahit sa mga kasamahan o kaibigan.
  • Committed or entrusted secrets
    -nag lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring:
    a.hayag
    b.di hayag
  • a.Hayag (Committed or entrusted secrets)

    -Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.
    Halimbawa: Ang isang sekretarya ng doktor, na inililihim ang mga medical records ng isang pasyente.
  • B.Di Hayag
    -ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin.
    Halimbawa: mga kasalanang ikinumpisal sa mga pari na binigyan ng ganap na kapatawaran at iba pang di ginagawa ng hayagan
  • Ayon ito kay Papa Pius XII. Ang pagtatago ng mga lihim na propesyonal ay isang grave moral obligation.
    -Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo't higit kung may matinding dahilan upang gawin ito. Sa kabilang banda, ang paglilihim ay maaaring magbunga ng malaking sakit at panganib sa taong nagtatago nito, sa ibang taong may kaugnayan rito at maging sa kaniyang lipunan ginagalawan.
  • ANG MENTAL RESERVATION (1)

    -Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito. -Una, ito ay paraan ng paggawa ng kasinungalingan. Halimbawa nito ay ang pahayag na, "Ang sabi ko ay pupunta ako sa isang excursion na ang totoo ay wala naman talaga akong planong gawin iyon."
  • ANG MENTAL RESERVATION (2)
    -Pangalawa ay ang pagbibigay nang malawa paliwanag sa maraming anggulo ng mga isyu upang ang nakikinig ay makakuha ng impormasyon sa isang pahayag na walang katotohanan.
    1. May mga kondisyon sa paggamit nito, ang ilan ay ang ss:
    2. a.Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang totoo
    3. b. Magandang intensiyon sa paglilihim dito
  • ANG MENTAL RESERVATION (3)

    -Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng katotohanan ay sa pamamagitan ng pag- iwas (evasion) at paglilihis ng mga maling kaalaman (equivocation). Makatutulong ito kung ang isyu ay hindi lubhang mahalaga at ang isang partido ay may pahintulot dito.
  • ANG PRINSIPYO NG CONFIDENTIAL
    -Ang pagsasabi ng totoo ay nagpapahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan. -Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, ang pagiging totoo ay solusyon sa mga posibleng hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw, hindi pag-uunawaan, mga sakit ng kalooban at kahihiyan at nakababawas ng pagkakahiwa- hiwalay sa pagitan ng bawat isa tungo sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na samahan.
  • MORAL ISSUE A:PLAGIARISM
    -Ito ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2003). -Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya. -Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo
  • MORAL ISSUE B. INTELLECTUAL PIRACY (1)

    -Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987. -Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
  • MORAL ISSUE B. INTELLECTUAL PIRACY (2)

    -Ang piracy ay isang uri ng pagnanakaw o paglabag dahil may intensiyon para sa pinans na dahilan. -Ang theft ay hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito. -Ang pagda-download ng kahit anong files sa internet ay matatawag na piracy o pagnanakaw. Anuman ang maging dahilan sa pag-download, ito ay maituturing pa ring paglabag sa karapatang-ari ng taong nararapat sa pagkilala at paggalang.
  • WHISTLEBLOWING
    -Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon. -Whistleblower naman ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.
  • PAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN
    -Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay mabuti at matuwid na gawain at walang pasubali na isa itong moral na obligasyon ng bawat tao. -Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa angkop na pagkakataon dahil ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Ang pagsasabi ng totoo ay pagpapairal ng kung ano ang inaasahan sa atin bilang tao at mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ito rin ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng sarili at ng kapuwa.
  • -Sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng paggalang sa katotohanan dahil sa mga isyu sa plagiarism, intellectual piracy, whistleblowing, at gampanin ng social media sa usapin ng katotohanan. Nilalabag ng plagiarism at intellectual piracy ang mga karapatang pantao at kawalan ng pagkilala at paggalang sa pagkatao ng tunay na may-akda.
  • Samantala, masasabing gawaing mabuti naman whistleblowing dahil naibubunyag ang katotohanan at naisisiwalat ang gawaing masama. Hindi rin maihihiwalay ang impluwensiya ng social media na tila nagpapahina o nagpapalakas sa kaisipan ng mga netizens na maging mapanagutan sa mga kaakibat na obligasyon sa paggamit dito. Ang obligasyong ito ay mula sa kampanyang "Think before you click" ng isang media outlet.
  • -Ang pagmamahal sa katotohanan o ang pagiging makatotohanan ay dapat maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. -Dahil sa kawalan ng paghahanap ng katotohanan, ang kasinungalingan ang nangingibabaw. -Ito ngayon a¢ng hamon sa bawat tao - maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at mga pagpapahalaga.