Greece

Cards (153)

  • Ang mga lungsod estado o heograpikal at politikal na sentrong pamayanan ng mga Greek?
    Polis
  • Ito ay isa sa pangunahing bahagi ng polis, ito ang pinakamataas na bahagi ng polis kung saan nagtatayo ng palasyo at templo para sa lokal na diyos?
    Acropolis
  • Makikita ito sa ibaba ng acropolis, ito ay isang bukas na pampublikong lugar na karaniwang ginagamit bilang pamilihan?
    Agora
  • Ito ay lungsod estado na matatagpuan sa katimugang rehiyon ng Greece sa tangway ng Peloponnesus?
    Sparta
  • Naninirahan ang mga Sparta sa bayan na ito?
    Lacedaemonia o Laconia
  • Ang mga ito ay pangkat na itinuturing na mamamayan (citizen) ng Sparta?
    Spartan
  • Ang mga Spartan ay maaring maging bahagi nito na may tungkuling bumuo ng mga batas at magtakda ng pakikidigma o kapayapaan?
    Assembly
  • Ang Assembly ay pinamumunuan ng limang tao na tinatawag na ano na nakatalaga upang pamahalaan ang mga pampublikong gawain at edukasyon ng mga Spartan?
    Ephors
  • Ito ay matatandang Spartan na may edad na 60 taon pataas?
    Council of Elders
  • Sila ay pinili upang tumulong sa pangangasiwa ng ephors, magpayo sa Assembly sa maaring ipatupad na batas, at sila rin ang bumubuo sa mataas na korte?
    Council of elders
  • Binubuo ng mga mangangalakal at mga artisano na karaniwang naninirahan sa mga kanayunan?
    Perioeci
  • Mga magsasaka at aliping nabihag ng mga Spartan nang salakayin nila ang Laconia at Messenia?
    Helots
  • Itinuturing na ano ang lipunang Spartan, nakatuon ang kanilang pamumuhay sa pagpapalakas ng kanilang hukbong sandatahan kung kaya't malaki ang ginampanan ng kanilang mga mandirigma sa lipunan?
    Militaristiko
  • Nagsisimula ang pagsasanay sa militar ng kalalakihang Spartan sa edan na ano?
    Pitong taon
  • Sa edad na ano ang mga Spartan upang maging ganap ang kanilang pagiging mandirigma at ipinadadala sa mga lugar ng labanan?
    20 taon
  • Sa edad na ito ng mga Spartan, sila ay inaasahang mag aasawa na upang magkaroon ng malulusog na anak?
    30 taon
  • Nagpapatuloy ang serbisyong militar ng isang lalaking Spartan hanggang sa siya ay umabot sa edad na ano kung kailan maari na siyang magretiro?
    60 taon
  • Ito ay isang maunlad at mayamang lungsod estadong umusbong sa hilagang-kanlurang ng Sparta?
    Athens
  • Matatagpuan ang Athens sa tangway na ito na nakalatag sa gitnang bahagi ng Greece?
    Attica
  • Batay sa mitolohiyang Greek, ang katawagang Athens ay hango sa pangalan ng kanilang pangunahing diyosa na si?
    Athena
  • Ang mga ito ang nagtatag ng lungsod estado ng Athens kung saan napanatili at patuloy na umunlad ang kultura ng mga ito?
    Mycenaean
  • Ito ay isang uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan?
    Demokrasya
  • Ang anyo ng demokrasya na unang umiral sa sinaunang Athens ay ano sapagkat ang lahat ng kinikilalang mamamayan ng Athens ay tuwirang nakikilahok sa pagboto at pagbuo ng mga batas?
    Tuwirang demokrasya
  • Ang Athens ay pinamumunuan ng isang hari kung kaya't maituturing ito na ano, ang unang anyo ng pamahalaang umiral dito?
    Monarkiya
  • Sa pagsapit ng 600 BCE sa Athens, ang kapangyarihan ay napasakamay ng iisang tao lamang na tinatawag na?
    Tyrant
  • Ang kauna-unahang naitalang demokratikong mambabatas ng Athens?
    Draco
  • Ito ang itinuturing na unang nakasulat na mga batas ng Athens?
    Draconian Code
  • Noong 594 BCE, isang mayamang mangangalakal ang naging pinuno ng Athens?
    Solon
  • Nagpairal siya ng mga reporma sa batas na nagtanggal sa malulupit na batas ni Draco?
    Solon
  • Ginawaran niya ng pagkamamamayan (citizenship) ang mga artisano na hindi likas na Athenian?
    Solon
  • Mula sa suporta ng mga karaniwang mamamayan, naging makapangyarihan siya at naging isang pinunong tyrant ng mga Athens noong 546 BCE?
    Pisistratus
  • Isa siyang pinuno ng Athens na ipinagutos ang pagtitipon ng mga epikong akda ni Homer at nagsagawa ng pampublikong pagbabasa sa mga epikong ito upang mapanatili ang kaalaman ng mga Athenian patungkol dito?
    Pisistratus
  • Higit na umunlad ang demokratikong uri ng pamumuno sa Athens sa panahon ng panunungkulan niya?
    Cleisthenes
  • Hinati ni Cleisthenes ang Athens sa sampung?
    Demes o distrito
  • Noong pamumuno ni Cleisthenes, pumipili ng 50 kalalakihan sa bawat distrito upang magsilbing ano o tagapayo na may tungkuling pangalagaan at protektahan ang kapakanan ng bawat nasasakupang distrito?
    council
  • Isa ito sa kontribusyon ni Cleisthenes; sa sistemang ito pinagbobotohan ng mga tao kung sino sa palagay nila ang maaaring maging panganib o banta sa Athens?
    Ostracism
  • Sa Athens, isinusulat nila ang pangalan ng taong ito sa isang basag na piraso ng palayok na tinatawag na?
    Ostrakon
  • Ang panahon ng pamumuno ni Pericles ay tinaguriang?
    The golden age of athenian democracy o ginintuang panahon ng athens
  • Sa panahon ng kanyang pamumuno, nakamit ng Athens ang rurok ng kadakilaan at kaunlaran sa iba't ibang larangan gayundin ang pag-unlad ng demokrasya sa lungsod-estado?
    Pericles
  • Siya ay kilala bilang isang mahusay na heneral, magaling na mambabatas, at tagapagsulong ng sining sa Athens?
    Pericles