pagbasa

Subdecks (1)

Cards (42)

  • pananaliksik - isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
  • obhetibo - ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinusuri.
  • Sistematiko - sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggaptanggap na kongklusyon.
  • Napapanahon - nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
  • Empirikal - ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik.
  •  Kritikal - maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
  •  Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan - nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
  • Dokumentado - nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binibigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
  • Basic Research - agarang nagagamit ang resulta para sa layunin nito.
  • Action Research - ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
  • Applied Research - ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon. Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y konklusyon at istatistika.
  • Paksa - pangkalahatan o sentral na
    ideyang tinatalakay sa isang
    sulating pananaliksik.
  • Qualitative Data - mga datos na may kalikasang nagsasalaysay o naglalarawan o pareho.
  • Quantitative Data - pananaliksik na nangangailangan ng datos na numerical na ginagamitan ng mga operasyong matematikal. Tinatawag din itong datos na kailanan.
  • Mga Pahayag ng Tesis o Thesis Statement - Naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensiya. Nagbibigay direksiyon sa mananaliksik sa pangangalap ng mga ebidensiyang magpapatunay sa kanyang argumento.
  • Rationale - bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
  • Layunin - dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik o paksa.
  •  Metodolohiya - ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
  • Inaasahang Output o Resulta - dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral.
  • Bibliyograpiya - nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, at iba pa.
  • Direktang Sipi - ginagamit ito kung ang isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin.
  • (“”) - panipi
  • (…) - ellipsis
  • Buod ng Tala- ginagamit ito kung ang nais lamang ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong sinopsis (synopsis).
  • Presi- mula sa salitang prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal na manunulat.
  • Sipi ng Sipi- maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.
  • Hawig o Paraphrase- hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
  • Hawig o Paraphrase- hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
  • Salin / Sarilng Salin- ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.
  • Peryodikal - tumutukoy sa anumang publikasyon na lumalabas nang regular.
  • Di Limbag Na Batis - ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sangguanian ay di nakalimbag na batis
  • borador - tinatawag na draft. Ito ay binabatay sa panghuling balangkas. Bigyang-halaga ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya kaysa sa kung paano mo ito ilalahad.
  • Introduksiyon - maaaring maglaman ng sumusunod: maikling kaligiran ng paksa, layunin ng mananaliksik, pahayag ng tesis o thesis statement, kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik, at saklaw at limitasyon ng pananaliksik.
  • Katawan - Organisasyon ng mga ideya sa katawan ng iyong papel ay batay sa paghahati-hati ng mga ideya sa panghuling balangkas.
  • Kongklusyon - Ang pagsulat nito ay paglalagom at pagdidiin ng ideya. Ito ay nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon o paghatol ng mananaliksik sa mga impormasyon at datos na kanyang nakalap na maaaring sumuporta o hindi sa kanyang pahayag ng tesis.