Reviewer

Cards (67)

  • Grapikong Panturo
    Mga kagamitang pedagohikal na may dalawang dimensiyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw at maikli ngunit malaman at buo
  • KWL TECHNIQUE
    Matukoy ang dating kaalaman at inuugnay sa bagong kaalaman
  • CONCEPT MAP
    Nag-uugnay ng mga konsepto hanggang sa makabuo ng malaking ideya o katuturan
  • CONCEPT CLUSTER
    Ginagamit upang madaling maisa-is aat magbigay-kahulugan ang klaster ng mga salita, konsepto o pangyayari
  • VENN DIAGRAM
    Ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang paksa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba nito
  • FACT STORMING WEB
    Makikita ang malawak na saklaw na detalye, nasa sentro ang pangunahing konsepto at nakapaligid dito ang mga kaugnay na konsepto. Nakapaligid naman sa kaugnay na konsepto ang iba pang mga detalye
  • DISCUSSION WEB
    Ginagamit sa pagtalakay ng mga isyung magkatimbang o balanseng sagot na oo o hindi
  • SAYKLIKAL TSART
    Ginagamit sa pagpapakita ng daloy ng mga gawain
  • DATA RETRIEVAL CHART
    Pagsasaayos ng mga datos mula sa isinagawang diskusyon sa klase mula sa tekstong binasa
  • MAIN IDEA AND DETAILS CHART
    Ginagamit upang pag-aralan ang pangunahing kaisipan at pag-iisa sa detalye
  • COMPARISON-CONTRAST CHART
    Naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang paksa. Naisasagawa sa pamamagitan ng pag-aasimila
  • CAUSE AND EFFECT CHART
    Pagbubuod ng sanhi at bunga ng isang pangyayari at penomenon
  • EVENT MAP
    Ginagamit sa pag-aanalisa ng kwento o paksa. Madalas ding ginagamit sa pagtalakay sa mga akdang pampanitikan
  • POSITIVE-NEGATIVE CHART
    Nakatutulong sa pagkilatis ng mga mag-aaral ng mga positibo at negatibong epekto ng isyu
  • PERSUASIVE PLANNER
    Ginagamit upang masanay ang mga mag-aaral na manghikayat sa pamamagitan ng matalinong pangangatwiran at obhektibong pagbibigay ng mga patunay tungkol sa isang isyung pinag-uusapan
  • FISHBONE PLANNER
    Ginagamit sa pagtitimbang sa maganda at hindi magandang epekto ng isang isyu o paksang pinag-uusapan
  • WORD MAP
    Nagagamit sa pagpapalawak ng salita at bigyang kahulugan ang isang termino
  • STORY BOARD
    Ipinakikita ang mahahalagang pangyayari ng kwento. Iguguhit ang mahahalagang pangyayari sa kahong inihanda ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
  • Komiks
    Isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita at larawan na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kwento
  • Puppetry
    Isang pagganap sa pamamagitan ng kamay, pinagagalaw ng puppeteer upang maging buhay ang isang konsepto. May kahima-himala at kahali-halinang katangian ang puppet
  • Aninong Puppet (Shadow Puppet)

    Ang puppet na ito ay ginugupit, may lapad at kabilang sa 2 dimensional na kagamitang panturo na pinagagalaw sa likod ng manipis na tela
  • Guwantes na Puppet (Glove o Hand Puppet)

    Ito'y isang 3 dimensional na puppet na sinusuot sa kamay ng puppeteer bilang guwantes o glove
  • Hand Rod Puppet
    Ito'y 3 dimensional na pinagagalaw sa pamamagitan ng kamay at gabilya (rod)
  • Marionette
    Kontrolado ng mga taling nakakabit sa iba't ibang bahagi ng katawan ng puppet at pinagagalaw sa pamamagitan ng kahoy na nakakabit sa pang-itaas na dulo ng tali
  • Paper-Bag Puppet
    Kayumangging puppet na lunch bag ang ginagamit upang mabuo ang ganitong uri ng puppet
  • Lakbay Aral
    Isang pamamaraan ng paghubog at pagkatuto na hindi pang paaralaan lamang, kung hindi pamamaraan ng paglabas, pagkatuto at pamamahagi ng estudyante ng kanilang kaalaman at natutuhan sa labas ng paaralan o komunidad
  • Dula
    Isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan
  • Trahedya
    Nagwawakas sa pagkasawi ng pangunahing tauhan
  • Komedya
    Ang wakas ay kasiya-siya dahil nagtatapos na magkasundo ang mga tauhan
  • Melodrama
    Kasiya-siya ang wakas ngunit sa unang bahagi ay malungkot
  • Yugto
    Pinakakabanata ng isang dula
  • Tanghal-eksena
    Bumubuo sa isang yugto. Maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan nagaganap ang susunod na pangyayari
  • Tagpo
    Paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena
  • Pagsasatao
    Pagpapalit ng gawi ng isang tao para gumanap ng isang mahalagang papel sa kanyang buhay. Ito ay aktuwal na pagganap sa teatro o maging sa silid-aralan para ipakita o itanghal ang isang sitwasyon sa isang aralin
  • Sketch
    Isang biswal na proyekto na nagpapahintulot sa pagkilala sa mga tampok at mahahalagang element sa gawaing hinaharap
  • Talaaarawan
    Kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na sumusunod sa porma ng kalendaryo
  • TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
    Isang planong inihahanda ng isang guro bilang batayan sa kanyang pagbuo ng pagsusulit. Ito ay isang two-way tsart na naglalarawan sa mga paksang nasasaklaw ng pagsusulit at ang bilang ng aytem o puntos na ilalaan sa bawat paksa
  • Test Blue Print
    Tumutukoy sa layunin at kakayahang subukin ang kaukulang bilang na ilalaan sa isang pagsusulit
  • Remembering (Pag-alala)

    Ipinakikita ng memorya sa pag-alala ng mga dating kaalaman batay sa mga natutunang materyales sa paggunita ng mga termino, konsepto at sagot
  • Understanding (Pag-unawa)

    Ipakita ang pag-unawa sa mga katotohanan at ideya sa pag-aayos, paghahamabing, pagsasalin, pagbibigay-kahulugan, paglalarawan at paglalahad ng pangunahing ideya