Isa ito sa pinakamahalagang bahagi ng katitikan dahil dito na hinahanay ang mga napag-usapan. Ito ay binubuo ng mahahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay, maging ang mga hindi natapos o nagawang proyekto ng nagdaang pulong. Hinahanay dito ang naging sistema ng pagpupulong batay sa ganitong pagkakasunud-sunod: I. Call to Order, II. Panalangin, III. Pananalita ng Pagtanggap, IV. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang Katitikan ng Pulong, V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong