filipino reviewer

Cards (23)

  • Dula: sa ingles ay "play" isang uri ng panitikan na sadyang nilikha para itanghal sa entablado o teatro.
  • Ang mga manunulat ng dula ay tinatawag na Mandudula, Dramaturgo at Dramatista.
  • Iskrip: Nakasulat na manuskripto kung saan matutunghayan ang lahat ng mangyayari sa dula.
  • Ang dula ay nagsasalaysay sa pangyayari sa buhay ng tao
  • Sarsuwela: halimbawa ng dula sa panahon ng Amerikano
  • Senakulo: dulang nagsasalaysay ng buhay ni Hesukristo, itinatanghal ito tuwing sasapit ang mahal na araw.
  • Tibag: Paghahanap ni Reyna Elena at ang kanyang anak na si Constantino sa banal na krus, na kinamatayan ni Hesukristo.
  • Panunuluyan: paghahanap ni Birheng maria at ni jose ng matutuluyan sa pagsilang ni Hesukristo
  • Moro-Moro: nagsasalaysay sa tunggalian sa pagitan ng Kristiyano at Muslim
  • Sarsuwela: Dulang may kantahan at sayawan
  • Magaan sa pakiramdam ang dulang komedya
  • Punumpuno ang dulang Trahedya ng kamalasan, kalungkutan, pagsubok at paghihirap.
  • Ang dulang Melodrama ay may pinaghalong lungkot at saya.
  • Ang dulang Trahikomiko ay may trahedya at komedya
  • Ang dulang Parsa ay Eksaherado ang pagsasalita at pag-arte ng mga tauhan dito.
  • ang dulang Saynete ay tungkol sa lugar na pinagmulan ng pangunahing tauhan.
  • Ang Melodrama ay sinasaliwan ng musika.
  • Ang pangunahing layunin ng Parsa ay magpatawa sa pamamagitan ng magkakarugtong na sitwasyon.
  • Ang trahedya ay nagdudulot ng kalungkutan o kabiguan sa manonood sapagkat ang buhay ng mga tauhan, madalas ito'y nagwawakas sa kamatayan
  • Ang panghalip na Panao ay ginagamit na panghalili o pamalit sa ngalan ng tao.
  • Ang panghalip Pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pangngalan
  • Ang panghalip na Pamatlig ay ginagamit sa pagtuturo ng isang pangngalan o ang kinalalagyan nito
  • Ang panghalip na Panaklaw ay ginagamit na pansaklaw sa bilang, dami o kabuuan ng mga tao