APAAN

Cards (35)

  • Ang pagkakaroon ng digmaan at nagdulot ng pinsala sa maraming buhay at ari-arian
  • Mga bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
    • Pagkamatay ng maraming mamamayan
    • Pagkasira ng mga kabuhayan sa Europa
  • Tinatayang umabot sa humigit kumulang 8.5 milyong tao ang nasawi digmaan simula ng pagsiklab nito noong 1914 at pagwawakas nito noong 1918, habang nasa 22 milyon naman ang tinatayang sugatan
  • Maliban sa mga sundalo, marami rin mga sibilyan at ordinaryong tao ang labis na nagdusa at namatay sanhi ng matinding pagkagutom, pagkakaroon ng mga sakit at malubhang pagdurusa
  • Nagdulot ang digmaan ng matinding pagkagutom at pagkasira sa mga ari-arian
  • Naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang mga gawaing pang-ekonomiko
  • Tinatayang nasa 200 bilyong dolyar ang kabuuang nagastos sa digmaan
  • Nabago ang kalagayang pampulitika sa Europa at sa ibang bahagi ng mundo
  • Pagkahiwalay ng mga bansa
    1. Austria-Hungary
    2. Latvia
    3. Estonia
    4. Lithuania
    5. Finland
    6. Czechoslovakia
    7. Yugoslavia
    8. Albania
  • Ang mga bansang ito ay naging malayang mga bansa
  • Nagwakas din ang apat na imperyo sa Europe: ang Hohenzollern sa Germany; Habsburg sa Austria-Hungary; Romanov sa Russia; at Ottoman sa Turkey
  • Isa sa mga puntos ni Pangulong Wilson ang pagkakaroon ng isang pandaigdigan samahan ng mga bansa
  • Liga ng mga Bansa
    Pangunahing layunin ng samahan na bigyang-solusyon ang anumang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa upang hindi ito mauwi sa digmaan
  • Mga layunin ng Liga ng mga Bansa
    • Maiwasan ang digmaan
    • Maprotektahan ang mga kasaping bansa mula sa pananalakay ng ibang bansa
    • Lutasin ang mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa
    • Mapalaganap ang pandaigdigan pagtutulungan
    • Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayaan
  • Pagwawakas ng Digmaan at Usaping Pangkapayapaan
    1. Pagpasok ng United States sa digmaan
    2. Lumakas ang pwersa ng Allied Powers
    3. Humina ang puwersa ng Central Powers
    4. Sunod-sunod na pagkatalo sa mga bakbakan
    5. Pagkaubos ng mga sundalo
    6. Umatras ang Germany sa labanan
    7. Iba nitong kapanalig ay sumuko na
    8. Pagbaba sa trono ni Kaiser Wilhelm II noong Nobyembre 9, 1918
    9. Paglalagda ng armistice noong Nobyembre 11, 1918
  • Pagbaba sa trono ni Kaiser Wilhelm II
    Nobyembre 9, 1918
  • Paglalagda ng armistice
    Nobyembre 11, 1918
  • Nagpulong ang mga pinuno ng mga Allied Forces at Central Powers sa palasyo ng Versailles sa France
    Hunyo 1919
  • Pagpupulong
    • Pinangunahan ni Pangulong Woodrow Wilson ng United States
    • Dinaluhan ng mga kinatawan ng 32 bansa
    • Layunin: makabuo ng isang kasunduan na tuluyang makapagwawakas sa digmaan at muling magtataguyod sa Europa
  • Mga pinunong nagsipagdalo
    • Georges Clemenceau ng France
    • David Lloyd George ng Britain
    • Vittorio Orlando ng Italy
  • Ayon sa Tratado ng Versailles, ang Germany ang pangunahing responsable sa pagkakaroon ng digmaan
  • Dahil dito, pinatawan ng matinding parusa ang Germany tulad ng pagkawala ng ilan sa kanilang mga teritoryo, pagbabayad nang malaking halaga sa mga nasira dulot ng digmaan, at pagkawala ng ilan sa kanilang sandatahang lakas sa ilang lugar sa Europe
  • Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
    Mga layunin ng United States sa pakikidigma, at ideya ni Pangulong Wilson tungkol sa "kapayapaang walang talunan"
  • Ilang nilalaman ng Labing-apat na Puntos
    • Katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan
    • Kalayaan sa karagatan
    • Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan
    • Pagbabawas ng mga armas
    • Pagbabawas ng taripa
    • Pagbuo ng Liga ng mga Bansa
  • Austria-Hungary
    Nagdeklara ng digmaan laban sa Serbia
  • Pagdeklara ng Austria-Hungary ng digmaan laban sa Serbia
    Nagdulot ng iba't ibang alyansa ng mga bansa
  • Mga nabuong alyansa
    • Allied Powers (Great Britain, France, Russia)
    • Central Powers (Germany, Austria-Hungary)
  • Germany nagdeklara ng digmaan laban sa Russia
    Agosto 1, 1914
  • Dahil sa pagpapadala ng mga hukbong military ng Russia sa hangganan ng Germany
  • Germany nagdeklara ng digmaan laban sa France
    Agosto 3, 1914
  • Dahil napagtanto ng Germany na susuportahan ng France ang Russia sa digmaan
  • Britain nagdeklara ng digmaan laban sa Germany
    Agosto 4, 1914
  • Dahil sa pagsalakay ng Germany sa Belgium
  • Lahat ng mga makapangyarihang bansa sa Europa nasangkot na sa digmaan
    Agosto 5, 1914
  • Mga sumali sa digmaan
    • Allied Powers (Great Britain, France, Russia)
    • Central Powers (Germany, Austria-Hungary)
    • Japan (Allied Powers)
    • Italy (Allied Powers)
    • Bulgaria (Central Powers)