Tagpuan – Ang pangyayari sa kuwento ay nagsimula sa kaharian ng Berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando.
Don Juan – ang bunso at ikatlong anak nina Don Fernando at Donya Valeriana ng Kahariang Berbanya. Siya ay likas na mabuti kaya’t paborito siya ng hari.
Donya Maria/ Donya Maria Blanca – ang magandang dalagang iniibig ni Don Juan. Anak siya ni Haring Salermo ng Reino de los Cristal
Don Pedro – ang panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana
Prinsesa Leonora – ang dalagang nakatira sa kahariang matatagpuan sa ilalim ng
mahiwagang balon
Don Diego –ang pangalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana
DonDiego –ang pangalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana
Donya Juana – ang nakatatandang kapatid ni Prinsesa Leonora
Don Fernando – ang makatarungang hari ng Kahariang Berbanya. Siya ay ama nina Don
Pedro, DonDiego at DonJuan.
Donya Valeriana – ang butihing asawa ni Don Fernando at reyna ng Kahariang Berbanya. Siya
ay mapagmahal na ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Haring Salermo – ang ama ni Donya Maria at ang hari ng Reino de los Cristal
Mediko – ang tanging nakatalos sa sakit ni Don Fernando. Ipinayo niyang hanapin ang ibong
Adarna sapagkat ang awit nito ang tanging lunas sa sakit ni Don Fernando.
Unang Ermitanyo (Matandang Ketongin) - ang nilimusan ni Don Juan ng pagkain. Siya ang
tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibong Adarna.
Ikalawang Ermitanyo (Matandang Uugod-ugod) – ang nagturo kay Don Juan kung paano
hulihin ang ibong Adarna sa Bundok Tabor
Ikatlong Ermitanyo – ang nagpagaling kay Don Juan noong siya ay sugatan sa pambubugbog
ng kaniyang dalawang kapatid
Ikaapat na Ermitanyo – ang naawa at nagbigay kay Don Juan ng pagkain habang naglalakbay
siya patungo ng Reino de los Cristal
Ikalimang Ermitanyo – ang nakilala ni Don Juan sa kaniyang paglalakbay sa Reino de los
Cristal. Siya ay may alagang olikorniyong sinakyan ni Don Juan upang makilala ang ikaanim na
ermitanyo
Ikaanim na Ermitanyo – ang may alagang Agilang naghatid kay Don Juan sa Reino de los
Cristal
Arsobispo – ang nagkasal sa magsing-irog na sina Don Juan at Donya Maria, at Don Pedro at
Prinsesa Leonora
NegritoatNegrita – ang maliliit na taong nasa loob ng prasko. Inutusan silang magtanghal ni
Donya Maria upang mapanumbalik sa alaala ni Don Juan ang pag-ibig nito sa donya
Ibong Adarna – ang mahiwangang ibong makapagpapagaling sa hindi maipalawanag na sakit
ni Don Fernando
Lobo – ang makapangyarihang hayop na nagpagaling kay Don Juan noong siya ay sugatan sa
ilalim ng balon
Higante – ang mabagsik na tagapagbantay ni Donya Juana
Serpiyente – ang makapangyarihang serpiyente na nagtataglay ng pitong ulo. Ito ang
tagapangalaga ni Prinsesa Leonora.
Olikorniyo – ang naghatid kay Don Juan sa ikaanim na ermitanyo na magiging daan upang
matagpuan niya ang Reino de los Cristal
Agila – ang higanteng ibong nagturo at nagdala kay Don Juan sa Reino de los