ap

Cards (79)

  • Globalisasyon
    Ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat-ibang direksiyon na nararanasarı sa iba't ibang panig ng daigdig
  • Mga dahilan ng globalisasyon
    • Cultural integration o kultural na integrasyon
    • Economic network o pankalakalang ugnayan
    • Technological advancement o kaunlarang teknolohikal
    • Global power emergence o paglitaw ng pandaigdigan kapangyarihan
  • Mga dimensyon ng globalisasyon
    • Socio-cultural o sosyo-kultural
    • Economic o pankalakalan
    • Political o politikal
    • Environmental o pangkapaligiran
    • Technological o teknolohikal
  • Apat na haligi para sa isang disente at marangal na paggawa
    • Employment pilart
    • Worker's rights pilar
    • Social protection pilar
    • Social dialogue pilar
  • Mga sektor
    • Sektor ng agrikultura
    • Sektor ng industriya
    • Sektor ng serbisyo
  • Iskemang subcontracting

    Kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon
  • Dalawang uri ng subcontracting
    • Labor-only contracting
    • Job-contracting
  • Suliranin sa paggawa sa bansa
    • Iskemang subcontracting
    • Unemployment at underemployment
    • Self-employed
    • Mura at flexible labor
    • Kontraktuwalisasyon
  • Mga tugon sa hamon sa paggawa

    • Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code
    • Department Order 18-A ng DOLE
    • Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18-02
  • Migrasyon
    Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente
  • Flow
    Dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Hindi nagsstay sa bansang pinuntahan nila
  • Stock
    Bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Nagsstay
  • Pananaw at perspektibo sa migrasyon
    • Globalisasyon ng migrasyon
    • Mabilisang paglaki ng migrasyon
    • Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
    • Pagturing sa migrasyon bilang isyug politikal
    • Paglaganap ng migration transition
    • Peminasyon ng migrasyon
  • Dahilan ng migrasyon
    • Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay
    • Paghahanap ng ligtas na tirahan
    • Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa
    • Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado
    • Pag-iwas sa sakunang dulot ng higwaang politikal o pangkalikasang kalamidad
  • Mga hamon sa epekto ng globalisasyon
    • Epekto ng pagkakaroon sa pagkakasundo
    • Epekto ng oportunidad sa sektor ng paggawa
    • Epekto ng pag-unlad ng teknolohiya
    • Epekto ng pag-unlad ng ekonomiya
  • Kontemporaryong Isyu
    Mga usapin o pangyayari na pinag-uusapan o pinagdedebatihan ng bansa na sangkot ang bawat Pilipino
  • Isyu
    Mga pangyayari, mga sigalot o problema na pinag-uusapan sa lipunan
  • Kontemporaryong
    Naglalarawan sa takdang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa katangian na nagpapakilala sa kasalukuyan
  • Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

    • Pagkilala sa Primaryang at Sekundaryang Sanggunian
    • Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon
    • Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
    • Pagbuo ng Paghihinuha, Paglalahat at Kongklusyon
  • Primaryang Sanggunian
    Mga babasahin na nagmula sa ating mga ninuno, mga talambuhay, mga journal, mga larawan o guhit. Maaari ring mga kagamitan ng mga sinaunang pamayanan
  • Sekundaryang Sanggunian
    Ang pinagmulan ng babasahin ay hindi sa primaryang sanggunian at maaaring magamit na batayan sa kasalukuyan
  • Katotohanan
    Ang totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos. May mga ebidensyang nagpapatunay na totoo ang mga pangyayari
  • Opinyon
    Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilalahad na larawan
  • Pagkiling (Bias)

    Ang pag-aanalisa ng mga impormasyon na may kaugnayan sa agham panlipunan ay kinakailangang walang kinikilingan
  • Hinuha (Inferences)

    Isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay para makabuo ng isang kongklusyon
  • Paglalahat (Generalization)

    Ang proseso kung saan binubuo ang mga ugnayan bago makagawa ng kongklusyon
  • Kongklusyon
    Ang desisyon, kaalaman o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mga mahahalagang ebidensya o kaalaman
  • Lipunan
    Mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisado at sistematikong lugar o pamayanan
  • Institusyon
    Mga organisadong komunidad na bumubuo sa isang lipunan
  • Social Group
    Mga institusyong panlipunan na binubuo ng dalawa o higit pang tao na may magkakaugnay na katangian at nagkakasundo sa kanilang mga hangarin
  • Uri ng Social Group
    • Primary Group
    • Secondary Group
  • Status
    Posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan
  • Uri ng Status
    • Ascribed Status
    • Achieved Status
  • Gampanin (Roles)
    Gawain o obligasyon, responsibilidad at karapatan ng indibidwal sa kanyang lipunan
  • Kultura
    Sistema o paraan ng pamumuhay ng isang pamayanan na naniniwala sa iisang ugnayan upang magkaroon ng organisadong lipunan
  • Uri ng Kultura
    • Materyal
    • Hindi Materyal
  • Materyal
    Tradisyonal; Nililikha at ginagamit ng bawat grupo at Nahahawakan o kongkreto
  • Halimbawa ng Materyal na Kultura
    • Kasangkapan
    • Pananamit
    • Pagkain
    • Tirahan
  • Hindi Materyal
    Hindi nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito
  • Halimbawa ng Hindi Materyal na Kultura

    • Edukasyon
    • Kaugalian
    • Pamahalaan
    • Relihiyon
    • Sining at agham
    • Pananalita