AP

Cards (45)

  • Edukasyon
    Ang proseso ng pag-aaral at pagtuturo upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng isang indibidwal sa iba't ibang aspeto ng buhay
  • Mga bagay na tinuturo sa edukasyon
    • Basic facts o katotohanan
    • Job Skills
    • Cultural Norms
  • Mga pangunahing aralin sa edukasyon
    • READING
    • WRITING
    • ARITHMETIC
  • Pormal na edukasyon
    Instruksiyon sa paaralan na karaniwang pampublikong paaralan, mula sa kindergarten hanggang hayskul
  • Uri ng edukasyon
    • PORMAL NA EDUKASYON
    • DI-PORMAL NA EDUKASYON
  • Pormal na uri ng edukasyon
    • May guro
    • Paaralan
  • Di-pormal na uri ng edukasyon
    Ano mang organisadong pang-edukasyong aktibidad sa labas ng isang pormal na sistema
  • "Education for All" ay polisiyang naglalayong mapabuti ang kalidad ang edukasyon ng bawat Pilipino, bata man o matanda
    1. K-12 Basic Education Curriculum
    Kilala rin bilang "Republic Act 1053 of 2013" o Enhanced Basic Education Curriculum. Ipinatupad upang matugunan ang nilalaman ng "Education for All" o EFA at makasabay ang bansa sa mga hamon ng globalisasyon sa larangan ng edukasyon
  • Layunin ng K-12 Education Curriculum
    • Makalikha ng mga mag-aaral na may kaalaman sa paghahanap-buhay
    • Malinang ang kasanayan sa siyensya at teknolohiya, musika at sining, agrikultura, sports at iba pang uri ng hanapbuhay
  • Department of Education
    Ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa batayang edukasyon sa bansa
  • Commission on Higher Education
    Ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa tersaryang edukasyon
  • Technical Education and Skills Development Authority
    Ang pangunahing tanggapan na namamahala sa pagpapaunlad ng mga institusyon at programa sa technical-vocational education at skills development
  • Programa ng pamahalaan para sa pagkakapantay-pantay sa edukasyon
    • Alternative Learning System
    • Homeschooling
    • Blended Learning
    • Online Learning
    • Distance Learning
    • Open Highschool Program
  • Alternative Learning System
    Nagbibigay oportunidad sa mga hindi nakatapos ng sekondaryang edukasyon na makatapos sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kurso sa loob ng 6-10 buwan iamang
  • Homeschooling
    Isang uri ng pag-aaral na nagaganap sa loob ng tahanan sa tulong ng gabay ng isang guro o magulang na aprubado ng Department of Education
  • Blended Learning
    Isang uri ng pag-aaral kung saan gumagamit ang guro ng tradisyonal kasabay ng mga kagamitang teknolohikal sa pagtuturo sa mga mag-aaral
  • Online Learning
    Isang uri ng pag-aaral kung saan ang pangunahing instrumento sa pagkatuto ay paggamit ng teknolohiya
  • Distance Learning
    Isang uri ng pag-aaral kung saan ang nasa magkaibang lugar ang guro at mag-aaral. Ito ay kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng online learning tools
  • Open Highschool Program
    Alternatibong pamamaraan na nagbibigay pagkakataon para sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral upang matapos ang sekondaryang pag-aaral sa pamamagitan ng distance learning
  • Gawaing pansibiko
    Mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa, nakapokus sa mga gawain na makamit ang common good o ang ikabubuti ng nakararami
  • Mga katangian ng isang aktibong mamamayang nakikilahok sa gawaing pansibiko
    • Maparaan
    • May alam sa mga pangyayari loob at labas ng kanyang komunidad
    • Mapagmasid
    • May konsepto ng boluntirismo
  • Maparaan
    Ang isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay dapat na mapamaraan sa paggamit sa mga yamang pangkomunidad at maging yaong nasa labas
  • May alam sa mga pangyayari loob at labas ng kanyang komunidad
    Makatutulong ito upang makatugon sa pangangailangan o di kaya'y makalahok sa mga mahahalagang usapan
  • Mapagmasid
    Ang isang nakikilahok na mamamayan ay kayang magpadaloy ng pagbabago sa komunidad batay sa kanyang mga obserbasyon hinggil sa komunidad
  • May konsepto ng boluntirismo
    Ang pakikilahok ay nangangahulugang boluntaryong partisipasyoon ng bawat tao o grupo ng tao sa pamamagitan ng pagkilos
  • Mga programang maaaring magboluntaryo
    • Clean and Green Program
    • Paglilinis ng mga creek at ilog
    • Feeding Program
    • Pagtugon sa mga nasalanta
  • Iba't ibang uri ng gawaing pansibiko
    • Pangkalusugan
    • Pangkalikasan
    • Pang-Edukasyon
    • Pampalakasan
    • Pampolitika
  • Pangkalusugan
    Tumutulong at nagsasagawa ng mga medical mission ang mga doktor, nurse, dentista, at iba pang medical workers
  • Pangkalikasan
    Naisasakatuparan sa pamamagitan ng tree-planting activities, paglilinis ng maruruming ilog, pagsagip at pagpaparami ng mga endangered species, at iba pa
  • Pang-Edukasyon
    May mga nagkukusang tumulong at makibahagi sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng Preschool gaya ng pagbabasa ng mga kuwento, Donate-a-Book, Fundraising Walks, at iba pang kagaya nito na naglalayong makapagpatayo ng mga gusaling pampaaralan at makapagpaaral ng mahihirap na estudyante
  • Pampalakasan
    Dumarami ang nagsasagawa ng Run-for-a-Cause, pag-eehersisyo nang sabay-sabay sa mga pampublikong parke, at mga katulad nito
  • Pampolitika
    Ang pakikilahok sa halalan ay isang paraan ng gawaing pansibiko, naririnig ang mga saloobin ng mga mamamayan ukol sa pamahalaan at lipunan
  • Karapatan ng mga bata
    • Right to be educated
    • Right to be healthy
    • Right to be treated fairly
    • Right to be Heard
  • Ang Pilipinas ay isang Estadong Republikano at Demotratiko
  • Republikano at demokratikong bansa
    Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambahayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad ng pampamahalaan
  • Ang pakikilahok sa eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan
  • Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas
  • Ang maaaring makaboto
    • Mamamayan ng Pilipinas
    • Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
    • 18 taon gulang pataas
    • Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumuto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon
  • Ang mga diskwalipikadong bomoto
    • Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon
    • Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krieman laban sa seguridad ng bansa
    • Mga taong ideneklara ng mga eksperto bilang baliw