Pagsulat sa Pilipino (Social Media at New Media)

Cards (41)

  • Blog
    Isang anyo ng sulatin na madalas inilalagay sa isang host website o social networking site. Mas nagiging malaya ang bawat isang magbahagi ng kuro-kuro at kaalaman gamit ang kompyuter at internet
  • Blog
    • Karaniwang nilalaman: karanasan, hilig, pananaw, saloobin, opinyon
  • Blogger
    Tao o grupo na nagpapatakbo ng isang blog
  • Uri ng Blog
    • Fashion Blog
    • Personal Blog
    • News Blog
    • Humor Blog
    • Photo Blog
    • Food Blog
    • Video Blog (Vlog)
    • Educational Blog
    • Review Blog
    • Travel Blog
  • Ang layunin ng Fashion Blog ay may kinalaman sa mga damit, make-up, sapatos, accessories, o kung ano man ang bago o nauuso sa mundo ng fashion
  • Ang layunin ng Personal Blog ay maglaman ng nararamdaman, saloobin, pananaw, opinyon, o karanasan sa isang tiyak na paksa o pangyayari
  • Ang layunin ng News Blog ay magbahagi ng mga bagong balita at reaksiyon sa mga ito
  • Ang layunin ng Humor Blog ay mapatawa ang mga mambabasa
  • Ang layunin ng Photo Blog ay magbahagi ng mga litrato mula sa paglalakbay, pantamasa, bangan, at iba pa
  • Ang layunin ng Food Blog ay magbahagi ng mga recipe at paraan ng pagluluto ng mga pagkain
  • Ang layunin ng Video Blog (Vlog) ay magbahagi ng mga video mula sa blogger
  • Ang layunin ng Educational Blog ay makatulong upang maging malinaw ang mga aralin sa paaralan na hindi masyadong maintindihan ng mga mag-aaral
  • Ang layunin ng Review Blog ay magbigay ng pagsusuri sa mga pelikula, musika, libro, gadget, at iba pa
  • Ang layunin ng Travel Blog ay magpakita ng iba't ibang lugar na napuntahan ng blogger at magbigay ng tips para sa mga biyahe
  • Ang media ay daluyan ng iba't ibang impormasyon mula sa anyong nakalimbag o nababasa, napakikinggan, at napanonood
  • Ang media ay produkto ng makabagong teknolohiya at dahil sa mabilis na inobasyon o pagbabagong nangyayari sa teknolohiya at media, naging mabilis din ang transpormasyon ng media sa Pilipinas
  • Kabuhol ng mass media ang kulturang popular o pop culture kung saan iniluluwal ang mga produkto o programang tiyak na tatabo sa takilya kung ito man ay pelikula o tiyak na tatangkilikin ng maraming mamamayan upang ang bumuo ng produksiyon ng anumang anyo ng media ay tiyak na kumita
  • Iba't ibang Anyo ng Mass Media
    • Soap Opera at Teleserye
    • Patalastas at Tarpo
    • Anima, Dubbing, at Pagsasalin
    • Mural
    • Billboards
  • Soap Opera at Teleserye
    Isang programang pantelebisyon na madaling tangkilikin at pasikatin, naging tuntungang bato rin ito ng maraming artistang Pilipino upang makilala sa industriya
  • Patalastas
    May tatlong uri: Pamprodukto, Panserbisyo, at Institusyunal
  • Tarpo
    Uri ng matibay na tela na kadalasang yari sa kambas, matibay at hindi tinatablan ng tubig dahil sa inilagay na tar, pintura, o wax, pangunahing gamit ay maging pantakip sa iba't ibang gamit upang hindi Mabasa
  • Islogan sa Tarpo
    Isang maiking pagpapahayag upang magpahiwatig ng kaisipan, saloobon, ideya, pananaw, at iba pa, isinulat sa malikhaing pamamaraan upang maglarawan, maglahad, magpamulat, magpakilos, at manghikayat
  • Anima, Dubbing, at Pagsasalin
    Malaki ang gampanin sa paglaganap ng mass media, nalaangkop ng pagsasalin at dubbing ang mensaheng hatid ng mga banyagang programa upang ilapat at ikonteksto sa lipunang Pilipino
  • Mural
    Naglalakihang kambas na pinintahan ng iba't ibang imahen taglay ang ibinibigay na kahulugan batay sa pang-unawa ng mga mamamayan, kadalasang makikita sa mga pader ngunit hindi nangangahulugang tanging pader lamang ang maaaring gawan nito
  • Mural sa Pilipinas
    Salamin ng Lipunang Pilipino, makikita sa mga kilos protesta na may temang paglalaman ng pakikibaka upang isulong ang pangkabuhayang kaayusan ng lipunan, nailalantad at naipapakita ang mga konsepto ng pang-aabuso, kapitalismo, at hindi makatarungang kalagayang panlipunan
  • Billboard
    Malaking istruktura na naglalaman ng anunsiyo ng iba't ibang produkto at serbisyo, madalas makikita sa mga pangunahing lansangan upang makita ng maraming tao
  • Ang mural at billboard ay ilan lamang sa mga halimbawa ng sining-biswal na makikita sa lansangan, ang bawat mensahe mula sa biswal at lingguwistikal nitong representasyon ay marapat lapatan ng angkop na pagpapakahulugan sa anyo ng akademikong sulatin
  • Isang kakayahan ng manunulat ang dapat malinang ang pagbibigay ng karampatang pagpapakahulugan upang maipaunawa ang lantad at nakatagong kahulugan ng isang sining tulad ng mga makikita sa mural at billboard
  • Isang paraan na mainam na sandigan ang paggamit ng batayan sa pagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang semiotika
  • Sining-biswal
    Mga halimbawa: mural at billboard
  • Akademikong sulatin
    Paraan ng pagbibigay ng pagpapakahulugan sa mga bagay-bagay partikular sa ibat ibang anyo ng sining biswal
  • Kakayahan ng manunulat
    • Malinang ang pagbibigay ng karampatang pagpapakahulugan upang maipaunawa ang lantad at nakatagong kahulugan ng isang sining
  • Semiotika
    Pag-aaral sa pagbuo ng pagpapakahulugan ng isang lipunan, sumusuri sa iba't ibang simbolo at sagisag
  • Wika
    Midyum ng komunikasyon, nagdadala ng mga kahulugan, tinutukoy ang makabuluhang tunog at mga senyas na ginagamit sa pakikipagtalastasan
  • Denotasyon
    Tuwiran ang pagtukoy sa tinatapatang bagay, kahulugang ibinibigay ng diksiyunaryo
  • Konotasyon
    Saklaw ng mga kahulugang pinupukaw ng mga emosyon
  • Malaki ang ugnayan ng pagpapakahulugang konotatibo at denotatibo sa binanggit na sagisag o simbolo ng komunidad sa mga likhang sining o mural
  • Arkitektura
    Sining at agham ng pagdibuho ng iba't ibang estruktura
  • Mga paksa kaugnay ng arkitektura
    • Lugar at Lunan
    • Pakikibagay-Nagiging tagapag-angkop at Pakikibagay
    • Proseso ng Pagkamalikhain
    • Kahulugan, Kabuluhan, at Kasaysayan
    • Kapangyarihan-Kuwento ng ugnayan ng mga tao sa likod ng pagbuo ng estruktura o sining
  • Pag-unawa sa konteksto ng arkitektura
    • Panlipunan
    • Pangkapaligiran
    • Pangkultura