AP: Kalidad ng Edukasyon

Cards (19)

  • Impraestruktura - tawag sa mga pisikal na estruktura na tumutugon sa pangangailangan ng isang komunidad, tulad ng mga kalsada, tulay, linya ng koryente at gusali.
  • Department of Public Works and Highways - Sila ang nangunguna sa pagpapatayo ng mga gusali at silid-aralan sa Pilipinas.
  • Department of Education - Ang responsible sa pangangalaga at pagsasaayos ng mga impraestrukturang ito.
  • Hindi angkop na kasanayan para sa mga guro - isa sa pagiging guro sa mga propesyon na mahigit na binabantayan ng pamahalaan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga guro ay may tinatawag na Licensure Exam for Teachers (LET).
  • Learning Action Cell (LAC) - Binubuo ng pangkat ng mga gurong nagtutulungan sa pamamagitan ng mga learning session upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kanilang pagtuturo.
  • In-Service Training (InSeT) - Nagsasagawa ang kagawaran ng seminar sa mga paaralan upang mas mapalawak at mapagbuti pa ang mga guro ng kanilang kaalaman, kasanayan at pamamaraan sa pagtuturo.
  • Self-Fulfilling Prophecy - Isa sa posibleng maging suliranin sa pagtuturo ay nakasalalay sa interaksiyon ng guro at mag-aaral. Batay sa sosyo-sikolohikal na konseptong ito, ang iniisip o ipinagpapalagay ng isang tao na maaaring mangyari sa hinaharap ay nakakaapekto sa kaniyang kilos at gawa sa kasalukuyan.
  • Pygmalion Effect - Tinatawag na Rosenthal Effect na pinangunahan ni Robert Rosenthal. Ito ay kung saan ang inaasahan ng iba patungkol sa kakayahan ng isang tao ay nakakaapekto sa kakayahan ng taong iyon.
  • Kakulangan sa kalusugan ng mga mag-aaral - Malaki ang epekto ng kalusugan ng mga mag-aaral sa kanyang kakayahang matuto. Ayon sa pag-aaral ang mga malnourished ay karaniwang nakikitaan ng kahinaan sa pag-aaral.
  • Upang matugunan ang suliranin sa kalusugan ng mga mag-aaral, inilunsad ng DepEd ang International Institute of Rural Reconstruction (IIRR) at Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRD ang mga proyekto tulad ng School-Based Feeding Program (SBFP), Gulayan sa Paaralan Program (GPP) at Nutrition Education Program.
  • Samantala, nagsagawa naman ang DOH ng mga libreng School-Based Immunization (SBI) na pinasimulan noong 2013. Mula kindergarten hanggang ikapitong baitang ang target mabakunahan nito.
  • Dagdag pa ang programang pangkalusugan parasa mga mag-aaral ay ang pagkakaroon ng polisiyang Water, Sanitation ang Hygiene (WASH) sa mga paaralan noong 2016.
  • Pandaraya sa mga gawaing pang-akademiko - Isa na marahil ang pandaraya sa pinakaseryosong problema sa edukasyon dahil ang epekto nito ay madarama hindi lamang sa kasalukuyang estado ng mag-aaral sa nandaraya kundi pati na rin sa kanyang hinaharap.
    • Ang pandaraya ay maaaring makasanayan ng mga mag-aaral
    • Nakakasira ng kredebilidad o reputasyon ng sistema ng edukasyon sa bansa ang laganap na pandaraya
    • Posibleng mapahamakn ang lipunan sa mga proyektong gawa ng mga nandaraya
  • Sa pagsisikap ng DepEd sa reporma sa kalidad ng primaryang edukasyon sa Plipinas, lumahok ito sa Programme for International Student Assessment (PISA) ng Organization for Economic Co-Operation ang Development (OECD) noong 2018. Ang pag-aaral ay nakatuon sa 15 taong gulang sa 79 na bansa.
  • Pag basa - Pumanghuli ang Pilipinas sa talaan- 340 puntos lamang ang nakuha sa karaniwang 487 average sa OECD.
  • Matematika at Agham - Pumapangalawa sa huli ang Pilipinas. 353 at 357 puntos sa karaniwang 489 na average.
  • Ang naturang resulta ay repleksiyon umano ng mababang kalidad sa primaryang edukasyon kaya sinikap ng DepEd na tugunan ito sa programang "Sulong Edukalidad".
    1. Pagsusuri at pag-update sa kurikulum ng K-12
    2. Pagsasaayos ng mga pasilidad sa pag-aaral
    3. Pagtatasa at pagpapaunlad sa kakayahan ng mga guro sa pamamagitan ng professional development program.
    4. Pakikisangkot at pakikipagtulungan sa lahat ng mga stakeholder