ap1st

Cards (28)

  • Chu Yunchang
    Pinuno ng mga magsasaka, pinasimulan niya ang isang rebelyong nagpatalsik sa natitirang puwersa ng Mongol sa Tsina, sa kanyang pagwawagi ginamit niya ang pangalang Hongwu
  • Beijing
    Itinatag dito ang kabisera ng dinastiya at tinawag itong Forbidden City dahil tanging ang miyembro lamang ng namumunong dinastiya kasama ang mga opisyal ng kaharian ang maaaring manirahan dito
  • Ta-Ming Lu
    Batas ukol sa karapatan ng mga mamamayan, relasyong pampamilya at pagtrato sa mga alipin, mahigpit itong ipinapatupad sa mga teritoryong nasa labas ng Forbidden City
  • Nagtatag din ang Ming ng iba't ibang pangkat espiya upang matukoy ang anumang banta ng rebelyon sa pamahalaan
  • Sheng
    Sentrong pangkalakalan at panirahan ng milyong tao, ang ilan sa kilalang Sheng ay ang Beijing, Chengdu at Nanking
  • Jing
    Sentro ng pangasiwaan ng pampamahalaan, ang ilan sa mga kilalang Jing ay ang Fuijan, Jiangsu at Yunan
  • Upang isulong ang propesyonalismo, ang lahat ng pinipiling kawani ng pamahalaaan ay yaon lamang nakapasa sa serbisyong sibil
  • Xi You Ji
    Ukol sa maalamat na paglalakbay ng Budistang si Xuanzang sa India
  • Shui Zu Zhuan
    Ukol sa pangkat ng mga bandido na pinatawad ng pamahalaang Tsino sa kanilang nagawang krimen at inutusang labanan ang mga dayuhang mananakop
  • Sangouzhi Pinghua
    Kuwento ukol sa pagsasapalaran ng mga panginoong maylupa sa Tsinong kaharian ng Cao Wei, Shu Han at Silangang Hu noong panahon ng dinastiyang Han
  • Dumaong ang mga barko ng Portugal sa Tamao, pamayanang Tsino na malapit sa Pearl River, nahikayat ng Portugal ang Ming na buksan ang lalawigan ng Ningbo at Guangzhou bilang mga daungang pangkalakalan
  • Noong 1521, sanhi ng mga pandarambong ng mga produkto ng Tsina, ipinagbawal ang pagtuntong ng mga Portuges. Nalaman din ng Ming mula sa Malacca, kaalyado at tributaryong kaharian ng Ming ang planong pananakop ng Portugal
  • Noong 1557, ipinagkaloob ng Ming ng isla ng Macau upang maging tanging himpilang pangkalakalan ng Portugal, kapalit ng 20 kilong bulyong pilak na taunang renta at pagbubuwis sa kalakal
  • Bunga nito, dumagsa sa Tsina ang mga produktong Portuges na ipinupuslit ng mga negosyanteng Tsino sa labas ng Macau, ang pagpuslit ay nagpaliit sa bilang ng kalakal na dinadala ng Portugal sa Macau kaya lumiit din ng nakokolektang buwis sa mga produkto
  • Bagama't nananatiling pag-aari ng Tsina ang Macau, umiral sa teritoryo ang batas ng Portugal at napawalang bisa rito ang pangangasiwa ng Ming. Naging Kristiyano rin ang maraming Tsino dahil sa pangangaral ng Portuges. Lumaganap rin ang wikang Portuges sa Macau
  • Unang Digmaang Opyo

    Kilala din bilang Digmaang Opyo o ang Digmaang Anglo-Sino ay isang serye ng mga sagupaang militar sa pagitan ng pakikipaglaban ng Britanya at ng Dinastiyang Qing ng Tsina
  • Kasunduan ng Nanking
    Matapos matalo sa digmaang Anglo-Sino ng mga Tsino, sila ay napilitang pumirma sa kasunduang Nanking, kung saan bubuksan nila ang mga pantalan sa Amoy, Canton, Foochow/Fuzhou, Ningpo, at Shanghai para sa dayuhang kalakalan at pagpapasailalim ng Hong Kong sa pamamahala ng Britanya
  • Extraterritoriality
    Iginawad ito ng Tsina sa Britanya, ito ay kapangyarihang ipatupad ng sariling batas ng isang bansa sa mga teritoryo ng isa pang bansa
  • Ikalawang Digmaang Opyo
    Naganap noong 1856 hanggang 1860, dahilan ng digmaan ay pagpigil ng isang opisyal ng adwana na makapasok ang barko ng mga British na may dala ng opyo. Sumali rin ang France dahil sa diumano'y pagpatay sa isang misyonerong Prances sa China
  • Kasunduan ng Tientsin (Tianjin)
    Mga Nilalaman: 1. Binuksan ang 11 pang daungan para sa kalakalan, 2. Pag-angkin ng England sa Kowloon, 3. Pagpapahintulot sa mga kanluranin na manirahan sa Peking at makapasok sa buong China, 4. Ginawang legal ang pagbebenta ng opyo sa pamilihan ng China
  • Kumbensiyong Peking 1860
    Nagpatibay ito sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Opyo at pormal na pagpapatupad ng mga itinadhan ng Kasunduan ng Tientsin
  • Tokugawa Ieyasu
    Nang maging shogun noong 1603, daimyo mula ng Kanto, ay nagsimula na ang shogunatong Tokugawa. Itinatag niya sa Edo ang kabisera ng shogunato at pinag-isa rin niya ang Hapon sa ilalim ng nag-iisang pamahalaang militar
  • Bakufu
    Tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng Tokugawa
  • Sakoku
    Sa patakarang ito, isinara ang Hapon sa ugnayang panlabas at tanging sa Nagasaki lamang maaaring makipagkalakalan ng mga Olandes, Koreano, Tsino at iba pang mangangalakal
  • Naitayo rin ang urbanisadong lungsod ng Kyoto, Osaka at Edo
  • Renku
    Pasalitang tula na may 17 linya at 14 na pantig bawat linya na kadalasa'y kolaborasyon ng mga makata
  • Ukiyo-e
    Isang uri ng woodlock printing o pagpipinta ng mga imahen sa kahoy
  • Kabuki
    Isang klasikong pagtatanghal na pinasimulan ni Izumo Okuni, mula sa ritwal ng pagsasayaw sa Dambana ni Izumo sa prefecture ng Shimane