e.g johan

Cards (63)

  • Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
    Buong pangalan ni Dr. Jose Rizal
  • Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya
  • Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
    Ama ni Dr. Jose Rizal
  • Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos
    Ina ni Dr. Jose Rizal
  • Araw ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal
    Ika-19 ng Hunyo, 1861
  • Domingo Lam-co

    Ama ng ama ni Dr. Jose Rizal, isang negosyanteng Instik
  • Ines dela Rosa
    Ina ng ama ni Dr. Jose Rizal, isang mestisang Intsik
  • Mercado
    Apelyidong pinili ng pamilya Lam-co upang makaiwas sa diskriminasyon, nangangahulugang palengke
  • Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna
  • Francisco Mercado
    Ama ni Dr. Jose Rizal, isang magsasaka at kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna
  • Rizal
    Apelyidong naidagdag sa kanilang pangalan ayon sa Kautusan Tagapagpaganap ni Gob. Claveria noong 1849, mula sa salitang Kastila na luntiang bukid
  • Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto
  • Pagtuturo kay Rizal ng abakada
    1. Nang siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng abakada ng kanyang ina
    2. Napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak
  • Pag-aaral ni Rizal sa Binan
    1. Nang siya'y siyam na taong gulang, ipinadala siya sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz
    2. Pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal
  • Pag-aaral ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila
    1. Noong ika-20 ng Enero, 1872, pumasok siya sa Ateneo Municipal de Manila
    2. Nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura
    3. Natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan
  • Pag-aaral ni Rizal sa Pamantasan ng Santo Tomas
    1. Nang sumunod na taon, nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka sa Ateneo Municipal de Manila
    2. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan
  • Pag-aaral ni Rizal sa Europa
    1. Noong ika-5 ng Mayo, 1882, nagtungo siya sa Europa upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral
    2. Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885
  • Pag-aaral ni Rizal ng iba't ibang wika
    1. Noong 1884, nagsimulang mag-aral ng Ingles
    2. Alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito
    3. Nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba't ibang bansa sa Europa
  • Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya
  • Ipinalimbag ang Noli Me Tangere sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi
  • Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag ng Noli Me Tangere sa halagang 300 piso
  • Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891
  • Pagtatatag ni Rizal ng La Liga Filipina
    1. Itinatatag niya ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892
    2. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik
  • Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas
    1. Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas
    2. Noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere
    3. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892
  • Pagtatapon kay Rizal sa Dapitan
    1. Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon
    2. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan
  • Paghingi ni Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba
    1. Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba
    2. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas
  • Paghuli at pagsasauli kay Rizal sa Pilipinas
    Noong bago magtapos ang taong 1896, siya'y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas
  • Paghahain kay Rizal sa hukumang militar
    1. Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago
    2. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan
  • Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam)

    Ika-29 ng Disyembre, 1896
  • Si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta
    Ika-30 ng Disyembre, 1896
  • Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
    Ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal
  • Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya
  • Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos

    Ang mga magulang ni Dr. Jose Rizal
  • Nakita niya ang unang liwanag sa Calamba, Laguna
    Ika-19 ng Hunyo, 1861
  • Francisco Mercado
    Anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co
  • Ines dela Rosa
    Ang ina ni Francisco Mercado, isang mestisang Intsik
  • Lam-co
    Ang orihinal na apelyido ng pamilya, Intsik na Intsik
  • Pagpapalit ng apelyido
    Upang makaiwas sa diskriminasyon at sumunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila na Mercado
  • Mercado
    Ang ibig sabihin ay palengke, nababagay sa kanila bilang negosyante
  • Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna