PAGBASA W2 - PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

Cards (13)

  • Ang pagbabalangkas ay ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat
  • Tentatibong balangkas
    Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang pananaliksik
  • Nakatutulong ang pagbabalangkas sa paglilimita sa paksang isusulat, sa mga dapat at hindi dapat tandaan
  • Balangkas
    Isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito
  • Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon
  • Paghahanda ng balangkas
    1. Matapos makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat
    2. Alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat
  • Layunin ng pagbabalangkas
    • Nabibigyan ng kahulugan ang pagbabalangkas
    • Nababatid ang mga bahagi ng tentatibong balangkas
    • Natutukoy ang iba't ibang pormat o uri ng pagbabalangkas
    • Nailahad ang mga dapat isaalang-alang at tuntunin sa pagsulat ng tentatibong balangkas
  • Rasyunal - Siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang
    nasabing paksa.
    Binibigyang linaw nito ang tanong na:
    Ano ang saysay ng pag-aaral at pananaliksik?
  • Pangkalahatang Layunin
    Ang malawak at pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik
  • Mga Tiyak na Layunin
    Dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba't ibang aspeto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik. Maaaring mayroong tatlo o higit pang layunin ang isang pag-aaral
  • Mga Suliranin sa Pag-aaral
    Makikita sa bahaging ito ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang kalagayan ng paksa na siyang nagbibigay paliwanag upang ito ay bigyan ng pansin at pagtuunan ng pananaliksik
  • Mga Haypotesis
    Ang pinakalohikal o pinakamakatuwirang mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, mapasubalian
  • Tentatibong Balangkas
    •Ito rin ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha.
    •Ang isang balangkas ay nagsisilbing larawan ng mga pangunahing ideya at mahahalagang ideya tungkol
    sa paksa.
    •Gumawa ng tentatibong balangkas upang maayos ang mga ideyang nakuha mula sa mga sanggunian.
    •Kapaki-pakinabang ang pag-oorganisa at pagsasakategorya ng mga ideya habang nagsusulat ng burador.