FILIPINO REVIEWER

Cards (68)

  • Noli Me TANGERE
    Nobelang panlipunan at maituturing ding nobelang romansa ni Jose Rizal
  • Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
    • Ang may akda ng Noli Me Tangere, ang tinaguriang "makamandag" na babasahin
  • Crisostomo Ibarra
    • Protagonista/pangunahing tauhan sa nobelang panlipunan ni Dr. Jose P. Rizal na nag-aral sa Europa ng pitong taon
  • Kapitan Tiyago/Tiago
    • Nag-alay ng isang salu-salo alang-alang sa binatang tinutukoy sa unang aytem
  • Padre Damaso
    • Kurang Pransiskano na matagal na naging kura sa bayan ng San Diego at itinuturing na tunay na ama ni Maria Clara
  • Maria Clara
    • Ginawa ni Crisostomo Ibarra bilang sagisag ng Inang Pilipinas
  • Tinyente Guevarra
    • Napag-alaman ni Crisostomo Ibarra na isang taon nang namayapa ang kanyang ama at ang naging dahilan ay ang pakikipagkagalit nito kay Padre Damaso
  • erehe
    • Bukod sa pagiging pilibustero, ito ang isa pa sa ipinaratang ni Padre Damaso kay Don Rafael Ibarra
  • Linares
    • Binatang Kastilang kararating lamang sa Pilipinas na ipinasya ni Padre Damaso na maging nobyo at kalaunan ay mapangasawa ni Maria Clara
  • Kapitan Heneral
    • Tumulong upang mapawalang-halaga ang pagkaeskomulgado ni Crisostomo Ibarra kaya't ipinasya ng Arsobispo na patawarin at muling tanggapin ang binata sa simbahang Katoliko
  • Elias
    • Makailang beses na nagligtas sa buhay ni Crisostomo Ibarra
  • The REIGN of GREED
    Saling-pamagat sa Ingles ng El Filibusterismo
  • Habang naglalakbay sa iba't ibang bansa ay nakatanggap si Rizal ng mga ulat tungkol sa pag-uusig at matinding pagpapahirap na dinanas ng kanyang pamilya sa kamay ng mga Kastila
  • Nadagdagan pa ang kanyang kalungkutan nang mabalitaang ikinasal sa iba ang kanyang minamahal (Leonor Rivera) dahil ayaw ng mga magulang nito kay Rizal, na binansagang subersibo at kalaban ng Espanya ng pamahalaang Kastila
  • Ang mga pangyayaring ito ang nagpagupo sa diwa at damdamin ni Rizal kung kaya't tuwing may pagtitipon ang mga Pilipino sa Madrid, Espanya ang kalimitang paksa niya ay tungkol sa paghihimagsik sa isang mapayapang paraan
  • Simoun
    • Mayamang mag-aalahas na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral na nagbalik sa Pilipinas upang maghiganti sa kanyang mga kaaway
  • Kabesang Tales
    • Tauhang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
  • Placido Penitente
    • Mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
  • Donya Victorina
    • Mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina at tiyahin ni Paulita
  • Basilio
    • Mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
  • Elias: ''Mamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking Inang Bayan! Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi!''
  • Pinag-alayan ni Rizal ng NOLI ME TANGERE ang bayang Pilipinas
  • El Filibusterismo
    Nobelang mas malaki ang naitulong sa mga Pilipino, partikular sa mga Katipunero sapagkat ang akdang ito ang nag-udyok at nagbigay ng lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban sa mga Kastila
  • El Filibusterismo
    Nobelang politikal na tumatalakay sa mga maling gawi at pamamalakad ng pamahalaan at ng simbahan
  • Ang El Filibusterismo ay ang pangalawang nobela ni Rizal na karugtong o sekwel ng Noli Me Tangere
  • Ang pamagat ng akda ay literal nangangahulugang "Ang Pilibustero" o "Ang Rebelde," na napapatungkol sa paglaban sa pamahalaan at sa simbahan
  • Maaari rin itong mangahulugang "Ang Paghahari ng Kasakiman"
  • Petsa kung kailan natapos ni Rizal ang kabuuan ng kanyang nobelang politikal
    MARSO 21, 1891
  • GOMBURZA ang pinag-alayan ni Jose Rizal ng El Fili bilang pagpupugay sa kanila
  • Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang politikal
  • Valentin Ventura
    • Matalik na kaibigan ni Rizal na maituturing na 'tagapagligtas ng El Fili' dahil sa tulong-pinansyal na kanyang ipinagkaloob para sa pagpapatuloy na pagpapalimbag ng nabanggit na akda
  • Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, sa kanya inialay ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo kalakip pa ng isang nilimbag at nilagdaang sipi ng nobela
  • Sa kasalukuyan, makikita ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo sa National Library sa Maynila na nasa sulat-kamay ni Rizal at binubuo ng 279 na pahina ng mahabang pirasong papel
  • Senyor/Ginoong Pasta
    • Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
  • Ben Zayb
    • Mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez na may paniniwalang, sa Maynila ay nakapag-iisip sapagkat siya ay nag-iisip
  • Don Custodio
    • Kilalá sa tawag na Buena Tinta
  • Quiroga
    • Mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
  • Don Tiburcio de Espadaña
    • Asawa ni Donya Victorina na tumakas at nagtatago matapos niyang hambalusin ang donyang asawa
  • Camaroncocido
    • Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo
  • Juli/Huli
    • Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio