Lakbay-Sanaysay

Cards (11)

  • Ang lakbay-sanaysay ay nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay
  • Isinusulat ang lakbay-sanaysay upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig
  • Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay
  • Maaari ring magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay
  • "It's more fun in the Philippines" ang isinusulong na islogan ng ating bansa, sa pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, bilang pagmamalaki sa ating turismo
  • Ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay
  • Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito'y nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama't hindi pa nila ito napupuntahan
  • Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar, binibigyang-pansin ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na komunidad
  • Katangian ng lakbay-sanaysay
    • Ito ay personal at kalimitang nakapang-aakit sa mambabasa
    • Higit na marami ang teksto sa halip na larawan
    • Naglalaman ng mga larawan at paksa tungkol sa larawang inilapat
    • May makatotohanang paglalarawan sa lugar at larawan
  • Anyo ng lakbay-sanaysay
    • Pormal - Nagtataglay ng masusi at masuring pananaliksik ng taong sumusulat, nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari
    • Di Pormal - Tinatalakay ang mga paksang karaniwan, personal at pang-araw-araw na kasiya-siya o mapang-aliw para sa mga mambabasa
  • Elemento ng lakbay-sanaysay
    • Tema at Nilalaman - Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi
    • Anyo at Istruktura - Maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari
    • Kaisipan - Mga ideyang nabanggit na kaugnay o magbibigay-linaw sa tema
    • Wika at Estilo - Mainam na gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag
    • Larawan ng Buhay - Inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda