pagpag

Cards (14)

  • Pananaliksik
    Isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman
  • Kabutihang dulot ng pananaliksik
    • Nadadagdagan at lumalawak ang kaisipan
    • Lumalawak ang karanasan
    • Nalilinang ang tiwala sa sarili
  • Katangian ng mananaliksik
    • Matiyaga
    • Maparaan
    • Sistematiko
    • Maingat
    • Analitikal
    • Kritikal
    • Matapat
    • Responsable
  • Anyo ng plagiarism
    • Minimalistic Plagiarism
    • Full Plagiarism
    • Partial Plagiarism
    • Source Citation
    • Self-Plagiarism
  • Yugto ng pananaliksik
    • Pagpili ng Paksa
    • Pagbuo Balangkas
    • Paghahanda ng Bibliograpiya Sanggunian
    • Pangangalap ng Datos
    • Pagbuo ng Konsepto
    • Paggawa ng Dokumentasyon
    • Pagsulat ng Burador o Rough Draft
    • Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador
    • Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
  • Paksa
    Ideyang tatalakayin sa isang pananaliksik, pinakamahalagang bahagi ng papel sa pananaliksik, nagbibigay ng direksyon, gabay, at pokus sa mga mag-aaral
  • Mga hakbang sa pagpili ng paksa sa pananaliksik

    • Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
    • Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    • Pagsusuri sa mga naitalang ideya
    • Pagbuo ng tentatibong paksa
    • Paglilimita sa paksa
  • Mga hanguan ng paksa
    • Sarili
    • Dyaryo at Magasin
    • Internet
    • Mga awtoridad, kaibigan, at guro
    • Aklatan
  • Gabay sa pagpili ng paksa
    • Interes sa paksang pipiliin
    • Bago, naiiba (unique), walang kapareho
    • May sapat na sanggunian
    • Matatapos sa takdang panahong nakalaan
    • May halaga o gamit sa lipunan
    • Tiyak o Ispesipiko
  • Ang PINAKAKRITIKAL na batayan sa gagawing pagsulat ay ang pagpili ng tamang paksa
  • Maaaring panggalingan sa pagpili ng paksa
    • Sarili
    • Nabasa
    • Napakinggan
    • Napag-aralan
    • Mga babasahin
    • Iba't ibang tao
  • Mga batayan sa pagpili ng paksa
    • Kahalagahan
    • Kabuluhan
    • Kawili-wili
    • Sapat na impormasyon
    • Nakalaang panahon
    • Gastusin
  • Paglilimita sa paksa
    1. Hatiin sa maliit na bahagi ang malaking paksa
    2. Pumili ng isang aspektong sasaklawin nito
    3. Kasarian (lalaki o babae ang respondente)
    4. Edad (edad ng mga gagawan ng pag-aaral)
    5. Lugar (saan isasagawa ang pag-aaral)
    6. Limitahan ang magiging kalahok o populasyon ng pananaliksik
    7. Pumili ng bagong disenyo o pamamaraan
  • Halimbawa ng paglilimita ng paksa
    • Malawak o Pangkalahatang Paksa: Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
    • Nililimitahang Paksa: Mga Dahilan at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
    • Lalo Pang Nililimitahang Paksa: Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto nito sa kanilang Gawaing Pang-akademiko