FIL

Cards (20)

  • Basilio
    Anak na naging dahilan ng kamatayan ng kadugo. Siya ang anak ni Sisa na inaruga at pinag-aral ni Kapitan Tiyago.
  • Don Custodio
    Makapangyarihang mahilig sa posibilidad. Espanyol na opisyal ng pamahalaan na ang tingin sa sarili ay siya lamang ang nag- iisip sa Maynila, hindi kikilos kung walang papuri ng pahayagan, mahilig humawak ng maraming tungkulin ngunit hindi alam kung paano palalakarin at binansagang "Buena Tinta".
  • Simoun
    Mag-aalahas na nagbalik sa nobela upang maghiganti sa lahat ng taong nagpahirap sa kanya at sa kanyang pamilya.
  • Huli/Juli
    Anak na naging kabayaran sa lupang pilit ipinaglalaban ng ama. Siya ang anak ni Kabesang Tales na nagpaalila upang matubos ang ama.
  • Juanito Pelaez

    Mag-aaral na malapit sa mga guro at umaasa sa talino ng iba. Kubang anak ng isang mayamang mangangalakal, naikasal kay Paulita Gomez, mahusay makisama sa mga propesor, at mahilig manukso sa kanyang mga kapwa mag-aaral.
  • Macaraig
    Mayamang mag-aaral na masigasig sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Espanyol.

  • Banyagang nasa Pilipinas na binalot na ang katauhan ng kulturang Pilipino. Espanyol na kawaning nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas, lihis ang mga gawain sa kaniyang mga kababayan at nakiisa sa mga Pilipinong mag-aaral sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.
  • Ginoong Pasta
    Matalinong taong kahit batid ang katotohanan, di pumapanig dahil naglilingkod sa pamahalaan. Pinakatanyag na abogado sa Maynila at sanggunian ng mga prayle kung may suliranin. Pinagsanggunian din ng mga mag-aaral tungkol sa pagpapakatao ng Akademya ng Wikang Kastila.
  • Padre Irene
    Taong may dalawang mukha o tinatawag na balimbing. Paring namamahala sa paghingi ng kapahintulutang makapagtayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Kaibigang matalik at tagapayo ni Kapitan Tiyago.
  • Padre Salvi
    Tahimik na kumakatawan sa mga alagad ng Diyos
  • Padre Camorra
    Mapagkunwari at di mapagkakatiwalaan. Kura-paroko na mukhang artilyero ng kumbento ng Tiani na nagtangkang pagsamantalahan si Juli
  • Padre Fernandez
    Alagad ng Diyos na may sariling paninindigan at di nagpapaapekto sa nais ng nakararami. Dominikong paring may kakaibang ugali dahil sa paninindigan sa ibang kaparian, paboritong mag-aaral si Isagani dahil sa katalinuhan nito
  • Paulita Gomez
    Babaeng sumusunod sa batas ni Darwin na ang babae ay nagpapaangkin lamang sa lalaking higit na sanay makibagay sa kinalakhang kalagayan. Katipan ni Isagani. Maganda at mayamang pamangkin ni Donya Victorina
  • Tandang Selo
    Lolong matiisin na nakaranas ng maraming suliranin sa pamilya. Lolo nina Juli at Tano na dinibdib ang mga kasawian ng pamilya, napipi at nabaril ng apong si Tano
  • Tano
    Anak na naging dahilan ng kamatayan ng kadugo. Anak na lalaki ni Kabesang Tales na pumasok bilang guwardya sibil
  • Quiroga
    Isang Tsino sa Binondo na kaibigan ng mga prayle at nais magkaroon ng konsulado ng Tsina sa Pilipinas
  • Ben Zayb
    Mamamahayag na Espanyol na di patas sa pagsulat ng balita at mataas ang tingin sa sarili na siya lamang ang nag-iisip sa Maynila
  • Donya Victorina
    Pilipinang nag-aasal banyaga/dayuhan. Tiyahin ni Paulita Gomez na palaayos, kumikilos at nag-aasal na isang Espanyol. Itinuturing din siyang mapait na dalandan
  • Hermana Penchang
    Nagpapanggap na relihiyoso at may kakayahang ipagkanulo ang pagtitiwala ng kapwa. Mayamang donya/manang na nagpahiram ng pantubos kay Juli bilang kapalit ng pagiging katulong nito
  • Tadeo
    Mag-aaral na walang pagpapahalaga sa pag-aaral at pumapasok lamang sa paaralan upang alamin kung may pasok