fil

Cards (86)

  • SIMOUN
    Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral, hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Larawan siya ng pinunong pabigla-biglang humatol.
  • KAPITAN-HENERAL
    Mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila
  • PADRE FLORENTINO
    Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino kahit pinilit lamang siya na maging lingkod ng Diyos dahil sa panata ng kanyang ina.
  • PADRE BERNARDO SALVI
    Pransiskanong pari na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Mapag-isip at umibig kay Maria Clara at kompesor ng dalaga
  • PADRE HERNANDO SIBYLA
    Matikas at matalinong paring Dominiko. Vice-rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ayaw niyang mag-aral ng wikang Kastila ang mga Pilipino
  • PADRE IRENE
    Paring Kanonigo na minamaliit at di-gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilalapitan ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila
  • PADRE FERNANDEZ
    Paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral
  • PADRE CAMORRA
    Batang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano anong bagay na maibigan. Kura siya ng Tiani
  • PADRE MILLON
    Paring Dominiko na propesor ng Pisika at Kemika. Mabuting pilosopo at bantog namahusay sa pakikipagtalo ngunit hindi naituturo sa mga mag-aaral
  • TELESFORO JUAN DE DIOS
    Kilala rin bilang si Kabesang Tales, masipag na magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain
  • JULIANA O JULI
    Pinakamagandang dalag sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Pilipinang masunurin, madasalin, matiisin at madiskarte sa buhay para sa pamilya. Katipan niya si Basilio.
  • TATA SELO
    Ang kumalinga kay Basilio nang tumakas ito sa gubat sa mga guwardiya sibil sa NOLI. Mapagmahal na lolo ni Juli at Tano
  • TANO/CAROLINO
    Anak ni kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumusunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundano. Nawala ngunit bumalik at naging dahilan ng kasawian ng mga mahal sa buhay
  • BASILIO
    Nagpunyagi sa pag-aaral at nagpaalipin kay Kapitan Tiago. Nilunok lahat ng pang-aapi na kanyang natanggap
  • ISAGANI
    Malalim na makata o manunugma. Mahusay sa pakikipagtalo, matapang sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman
  • MAKARAIG
    Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila. Masipag na mag-aaral, mahusay makipagtalo, mapitagan, at palabasa. Napakayaman pero mapagbigay.
  • PACIDO PENITENTE
    Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit na kinaiinisan niya ito
  • PECSON
    Mapanuring mag-aaral at masigasig na makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't ibang usapin. Hindi agad naniniwala sa mga balita lamang
  • JUANITO PELAEZ
    Mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero, laging inaabuso at tinatakot si Placido. Manliligawa ni Paulita Gomez
  • SANDOVAL
    Tunay na Espanyol na kaisa sa adhikain ng mga Pilipinong mag-aaral. Mahilig makipagdebate ng kahit na anong paksa
  • TADEO
    Mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor, hangad niya laging walang pasok upang makapaglakwatsa. Hambog ngunit walang ambisyon sa buhay
  • PAULITA GOMEZ
    Masayahin at napakagandang dalag na hinahangaan ng mga kalalakihan. Pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani
  • DONYA VICTORINA DE ESPADAÑA
    Larawan niya ang isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa at tinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi
  • DON TIBURCIO DE ESPADAÑA

    Asawa ni Donya Victorina, larawan siya ng mga lalaking walang buto, sunod-sunoran at takot sa asawa
  • DON SANTIAGO "KAPITAN TIAGO" DELOS SANTOS

    Dating kaibigan ng mga prayle ngunit sumama ang loob sa mga ito, nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok sa monasteryo ang kanyang anak
  • MARIA CLARA DELOS SANTOS
    Tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay, isa sa naging dahiln ng pagbabalik ni Ibarra sa Pilipinas
  • KAPITAN BASILIO
    Mayamang taga San Diego na ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika. Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan upang maiwasan ang gulo
  • DON CUSTODIO DE SALAZAR
    Nakapag asawa ng maganda at mayamang mestisa, umangat ang posisyon hanggang naging tagapayo ng Kapitan-Heneral
  • BEN ZAYB
    Mamahayag na malayang mag-isip, kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala
  • GINOONG PASTA
    Naging alila ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakamatanyag na abogadong Pilipino at dating kaklase ni Padre Florentino
  • PEPAY
    Kaakit-akit na mananayaw. Maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina. Nahihibang sa kanyang alindog si Don Custodio
  • HERMANA BALI
    Batikang panggingera. Nagbibigay payo sa mga may suliranin sa kanilang baryo.
  • HERMANA PENCHANG
    Masimbahing manang at naging amo ni Juli. Mapanghusga sa mga taong sawimpalad. Takot sa mga prayle.
  • KAPITANA TIKA
    Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang.
  • SINANG
    Matalik na kaibigang ni Maria Clara sa NOLI, nakapag-asawa sa EL FILI. Mabiro at masayahin at anak nina Kapitan Basilio at Kapitana Tika
  • KABESANG ANDANG
    Butihing ina ni Placido Penitente at balo na, pinag-aral ang anak at nagtipid para sa edukasyon nito
  • QUIROGA
    Mayamang Intsik na mangangalakal, at kontrolado ang takbo ng kalakaran
  • DON TIMOTEO PELAEZ
    Ama ni Juanito Pelaez at mapangdustang mangangalakal
  • MR. LEEDS
    Mahusay sa mahika, napapaniwala ang mga nanonood
  • KAPITAN NG BARKO
    Beteranong marinero at may malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang panig ng mundo