Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
Ang konsepto ng citizenship ay umusbong sa panahon ng kabihasnang Griyego
Polis (Greek city-state)
Lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin
Ang pagiging citizen ay isang pribilehiyo na may kalakip na mga karapatan at tungkulin
Ang mga citizen ay inaasahang makilahok sa mga gawain sa polis
Sa paglipas ng maraming panahon, ang konsepto ng citizenship ay nagdaan sa maraming pagbabago
Citizenship
Ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado, kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
Ang Saligang Batas 1987 ay naglalaman ng mga tungkulin at karapatan ng mga mamamayan ng Pilipinas
Mga uri ng mamamayan
Likas o katutubo
Naturalisado
Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
Jus soli
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak
Naturalisasyon
Isang legal na paran kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte
Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay maaaring mawala sa ilang partikular na dahilan
Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan
Tinitingnan ang pagkamamamayan bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan
Ang mamamayan ay hindi lamang tagasunod sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan, kundi nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan
Mga katangian ng isang responsableng mamamayan
Makabayan
May pagmamahal sa kapwa
May respeto sa karapatang pantao
May pagpupunyagi sa mga bayani
Gagampanin ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan
May disiplina sa sarili
May kritikal at malikhaing pag-iisip
Ang labindalawang gawain na inilahad ni Alex Lacson ay mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa upang makatulong sa bansa