Buod o Lagom

Cards (8)

  • Ang pagbubuod ay isang paraan ng papapaikli ng anumang teksto o babasahin.
  • Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa.
  • Buod - Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda.
  • Kung maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailangan ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampotdampot ang pagpapahayag ng mga bahagi
  • Kung ang teksto naman ay isang ekspositori , maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad.
  • Mga Katangian ng Mahusay na Buod
    1. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
    2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
    3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
    4. Gumagamit ng mga susing salita.
    5. Maaaring gumamit ng sariling salita.
    6. 1/4 o 1/3 lang ito sa kabuuang haba ng orihinal na akda.
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod
    1. Salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
    2. Ilista ang pangunahing ideya, detalye, at paliwanag sa bawat ideya.
    3. Ayusin ang pagkasunod-sunod sa lohikal na paraan.
    4. Gumamit ng siya, apelyido ng awtor, o manunulat.
    5. Isulat ang buod
  • Pamantayan sa Pagsulat ng Buod
    1. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
    2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan sa bawat talata o saknong.
    3. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
    4. Gumamit ng sariling pananalita.
    5. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.
    6. Angkop na pagkasunod-sunod ng mga ideya batay sa orihinal na teksto.