Esp WW1

Cards (14)

  • Pagsisinungaling
    • Pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang
    • Pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may karapatan naman dito
  • Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan
  • Iba't ibang uri ng pagsisinungaling
    • Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (PROSOCIAL LYING)
    • Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (SELF-ENHANCEMENT LYING)
    • Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (SELFISH LYING)
    • Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (ANTISOCIAL LYING)
    • Direktang Pagsisinungaling (STRAIGHT-UP LYING) tungkol sa isang maliit na bagay na sinasabi ng isang tao upang maiwasan na masaktan ang damdamin ng iba.White Lies
  • Paglabag ng kabataan sa katapatan
    • Academic Dishonesty
    • Plagiarismo (Plagiarism)
    • Panlilinlang (Deception)
    • Pagdaraya (Cheating)
    • Sabotahe (Sabotage)
    • Panloloko (Forgery or Falsification of documents)
    • Panunuhol (Bribery)
  • Mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao

    • Upang makaagaw ng atensyon o pansin
    • Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
    • Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
    • Upang makaiwas sa personal na pananagutan
    • Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o "malala"
  • Pitong pinakamahalagang dahilan kung bakit kailangang magsabi ng totoo
    • Ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari
    • Ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o maparusahan
    • Ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari
    • Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa
    • Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento
    • Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan
    • Ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban
  • Ang pagtatago ng totoo ay hindi maituturing na kasinungalingan
  • Mga angkop na kilos upang maipamalas ang katapatan sa salita
    • Mataas na paggalang sa nakatatanda
    • Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao
    • Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito
    • Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan
  • Katapatan sa gawa
    Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang paraan. Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.
  • Mga angkop na kilos upang maipamalas katapatan sa gawa
    • Paggawa ng naaayon sa oras at panahon
    • Paggawa na may pagmamahal sa trabaho
    • Paggawa ng tama para sa kapwa
  • Anonymous: '"Tapat ka sa iyong kapuwa kung ikaw ay tapat muna sa iyong sarili."'
  • Mga batayan sa pagpapakita ng katapatan sa salita at sa gawa
    • Pagsabi ng katotohanan
    • Laging gumawa ng naayon sa katuwiran
    • Laging iisipin na ang lahat ng gagawin o sasabihin ay naayon sa kawastuhan
    • May Matatag na konsensya
    • Maging bukas sa pagpapahayag ng iyong saloobin sa kapwa
  • Bunga ng pagiging matapat
    • Tataas ang moral ng tao, at nirerespeto sa lipunan
    • Pinagkakatiwalaan sa lahat ng pagkakataon, sa kilos at pananalita
    • Kinagigiliwan at malapit sa tao
    • Modelo at tinutularan
  • Buddha: '"Ang salita ay may kakayahang magwasak at magpagaling. Kapag ang salita ay totoo at mabuti, mababago nila ang ating daigdig."'