Pulong

Cards (12)

  • Agenda
    Talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong
  • Agenda
    • Mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong upang maging maayos, organisado at epektibo
    • Nagbibigay ng ideya sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensyon ang mga dadalo sa pagpupulong
    • Nakatutulong upang manatiling nakapokus ang mga dadalo sa mga paksang tatalakayin sa pulong
  • Paghahanda ng Agenda

    1. Pagsasaad ng mga layunin at paksang tatalakayin
    2. Pagtukoy sa mga taong tatalakay ng paksa at oras na itinakda para sa pagtalakay sa bawat paksa
    3. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagpapasyahan
  • Katitikan ng Pulong
    Dokumentong nagsasaad ng mga pangyayari sa natapos na pagpupulong at isinusulat hindi lamang ng kalihim kundi maging sinoman sa inatasang kasapi ng isang samahan o kompanya
  • Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
    • Heading
    • Mga kalahok o dumalo
    • Usaping napagkasunduan
    • Pabalita o Patalastas
    • Talatakdaan (schedule) ng susunod na pulong
    • Pagtatapos
    • Lagda
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
    1. Magpasiya kung anong format ang gagamitin sa paggawa ng katitikan ng pulong
    2. Magpasya kung anong paraan ang gagamitin para sa pagrecord ng pulong
    3. Bumuo ng listahan ng mga dadalo sa pulong
    4. Gumamit ng template para sa dokumento
    5. Isulat ang mga mahahalagang impormasyon habang nagpupulong
    6. I-beripika ang mga naitala o basahin ang mga paksang napagdesisyunan
    7. Ihanda ang Katitikan ng Pulong para sa pamimigay ng kopya sa mga dumalo at liban
  • Ang Sintesis o Buod ay isang pamamaraan kung saan sinasabi ng isang manunulat o tagapagsalita ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit komprehensibong paraan
  • Ang pagbubuod na ito ay hindi lamang pagpuputol-putol ng mga pangyayari kundi pagbuo dito bilang isa
  • Ang layunin nito ay makakuha ng mahalaga ngunit maikling sulatin na kumakatawan sa kabuoan ng tekstong ibinobuod
  • Taglay nito ang sagot sa mahahalagang tanong katulad ng "Sino, Ano, Paano, Saan at Kailan" naganap ang mga pangyayari
  • Sa paglilinaw ng mga bagay na ito, maganda ang pagtugon sa mga tanong na ito upang mapansin ang mga mahahalagang detalye ng pangyayari
  • Sa paglilinaw ng mga konsepto sa buod, mayroong maraming paraan upang magbigay ng kaunting detalyo sa mga pangyayari