Mga tala sa buhay ni Jose Rizal

Cards (21)

  • Si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
    Ang taong may matayog na pagtingin sa kabutihan ng bawat nilalang, lalong-lalo na ng kanyang mga kababayan, ay karapat-dapat pag-ukulan ng paghanga, pagpipitagan, at higit sa lahat ng puwang kaibuturan ng puso ng bawat Pilipino.
    Ang dakilang taong ito, bagama’t patay na, ay buhay pa sa alaala ng bawat Pilipinong nagmamahal sa kanyang simulain at ideyalismo.
  • Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda.
  • Pinanganak siya sa lalawigan ng Laguna, noong Hunyo 19, 1861.
  • Siya ay ang ikapitong anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teadora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
  • Ang apelyidong Rizal ay nangangahulugang “luntiang bukirin.”
  • Ang kanyang inang si Donya Teadora ang kaniyang naging unang guro. Hindi lamang pagbasa, pagsulat, at pagbilang ang natutuhan niya sa kaniyang ina kundi maging ang pagdarasal at pagsagot sa mga dasal.
  • Para kay Donya Teadora, ang mga ito ang totoong mahalaga sapagkat noong mga panahong iyon, ang pagtawag sa Panginoong Diyos ang siyang dapat untang ituro sa mga anak.
  • Siyam na taong gulang si Jose nang siya ay ipinadala sa Biñan at dito’y nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Ginoong Justiniano Aquino Cruz.
    Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay pinayuhan na siya ng guro na mag-aral sa Maynila sapagkat lahat ng nalalaman nito ay naituro na sa kanya.
  • Nagsimulang pumasok sa Ateneo Municipal De Manila noong Enero 20 , 1872. Dito siya nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip, at nagtamo ng lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralang ito ay tumanggap siya ng katibayang Bachiller En Artes at pagkilalang sobresaliente noong Marso 14, 1877.
  • Sa Unibersidad ng Santo Tomas nang sumunod na taon, ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at lumipat sa pag-aaral ng medisina. Nag tungo siya sa Europa Noong May 5, 1882 upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa Madrid, Spain, ay nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medecina at Filosofia y Letras.
  • Nang taong 1884 nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles; marunong din siyang magsalita ng iba pang mga lengwahe sapagkat naghahanda siyang maglakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa.
    Naging dalubwika si Jose Rizal dahil hindi magiging mahalaga ang kaniyang paglalakbay kung hindi niya malalaman at magagamit ang mga nasabing wika sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino.
  • Ayon kay Wenceslao Retana na unang sumulat ng talambuhay ni Rizal, ipinahayag ni Rizal na isinulat nito ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884. Ang isangkapat ay isinulat niya sa Paris, at ang isangkapat ay sa Alemenya. Naitapos ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin noong Pebrero 21, 1887.
  • Dalawang libong sipi lamang ang ipinalibag sa Berlin noong Marso 29,1887, at ibinayad niya sa pagpapalimbag ay hiniram niya kay Dr. Maximo Viola, taga San Miguel, Bulacan. Umabot sa 300PHP ang binayaran niya kay Viola nang dumating ang padalang pera mula sa kanyang mga magulang.
  • Ang El Filibusterismo ang ipinalimbag naman sa Ghent, Belgium noong 1891.
  • Hulyo 8, 1892 ay itinatag ni Jose Rizal sa Maynila ang La Liga Filipina, isang samahang mithiin ay ang mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi paghihimagsik.
  • Dalawampu’t isang taon pa lamang si Dr. Jose Rizal nang lisanin niya ang Pilipinas noong Mayo 5, 1882 upang magpatuloy ng pag-aaral ng mga language. Nagbalik naman siya sa Pilipinas noong Agosto 5, 1887.
  • Umalis siya muli sa Maynila noong Pebrero 3, 1888 upang magtungo sa Europa, atbp. Nilisan niya muli noon ang Pinas sapagkat umiiwas siya sa matinding galit sa kanya ng mga Espanyol dahil sa nobela niyang Noli Me Tangere. Muli siyang nagbalik sa Maynila noong Hunyo 26, 1889.
  • Ipiniit si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap siya sa Hukumang Militar at litisin, ay nahatulan siyang barilin sa Bagumbayan. Isinulat niya ang “Mi Ultimo Adios” bago siya mamatay. at namatay siya na Disyembre 30, 1896.
    1. Una, nais niyang bumalik sa Pilipinas dahil sa hangrain niyang maoperahan ang kaniyang ina sa lumalalang panlalabo ng mga mata nito.
    2. Upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula noong 1884 hanggang 1887.
    3. At panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan.
  • Sino ang Kaniyang ama?
    Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
  • sino ang kaniyan ina?
    Teadora Morales Alonzo Realonda y Quintos