Nasaksihan niya kung paanong ang matatandang lalaki ay hinahagupit ng mga guardia civil kung hindi wasto ang pagsaludo sa kanila, kung hindi nag-aalis ng sombrero kung sila'y mapapadaan sa harapan nila, ang pagmamalupit sa mga babae at maging sa mga bata. Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang katarungan ang pinakamamahal niyang ina, si Donya Teodora.