Mga Tauhan ng Noli Me Tangere

Cards (31)

  • Don Crisostomo Ibarra - Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
  • Maria Clara Delos Santos - Kasintahan ni Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
  • Elias - Tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na aginoo, hindi mapaghiganti, ang iniisip ay kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob.
  • Pilosopong Tasyo - Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami.
  • PADRE DAMASO – isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papering hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal
  • DON SANTIAGO “KAPITAN TIAGO” DELOS SANTOS – isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
  • DON RAFAEL IBARRA – ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pag
  • SISA – ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak.
  • PADRE BERNARDO SALVI – kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
  • PADRE HERNANDO SIBYLA – isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
  • BASILIO – nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
  • CRISPIN – bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sacristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
  • ALPERES – siya ang puno ng mga gwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
  • DONYA CONSOLACION – siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
  • DONYA VICTORINA DE ESPADAÑA – isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama’t ito ay laging mali.
  • DON TIBURCIO DE ESPADAÑA – siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.
  • ALFONSO LINARES – binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
  • TIYA ISABEL – siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nagalaga kay Maria Clara nang siya ay sanggol pa lamang.
  • DONYA PIA ALBA DELOS SANTOS – siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.
  • TENYENTE GUEVARRA – isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
  • KAPITAN-HENERAL – ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado
  • KAPITAN BASILIO – isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. Siya rin ang ama ni Sinang.
  • DON FILIPO LINO – siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin.
  • LUCAS – isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan.
  • DON SATURNINO IBARRA – nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.
  • DON PEDRO IBARRA – nuno ni Crisostomo Ibarra.
  • KAPITANA MARIA – tanging babaeng makabayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama
  • MAESTRO NOL JUAN – siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.
  • KAPITAN PABLO – siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
  • SALOME – isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias.
  • MGA KAIBIGAN NI MARIA CLARA:
    1. ANDENG – kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto.
    2. NENENG – mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan Basilio.
    3. SINANG – masayahing kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan Basilio.
    4. VICTORIA – tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino
    5. IDAY – magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.
    6. ALBINO – dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni Victoria.
    7. LEON – kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.