Filipino

Cards (37)

  • Idinawit sila sa aklasan sa Kabite. May tatlong pareng regular ang nagsangkot sa tatlong pari, dahil may prayleng nagpanggap bilang si Padre Burgos at nanulsol sa paghihimagsik.
    Enero 1872
  • Ang tatlong Pari ay binitay sa pamamagitan ng paggarote sa harap ng publiko sa Bagumbayan. Sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino, dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, at nag-iwan ito ng matinding epekto, lalong lalo na kay Jose Rizal, kaya inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa kanilang tatlo
    Pebrero 17, 1872
  • Noong Oktubre 188, bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal marami ng kasawian ang dinanas ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan dahil sa pagkakasulat ng Noli Me Tangere. Sa Calamba, Laguna niya sinimulang isulat ang burador o draft ng El Filibusterismo.
    Oktubre 1887
  • Dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay, nilisan ni Rizal ang Pilipinas. Ani ni Rizal sa isang sulat na kanyang ipinadala niya kay Blumentrit, katakut- takot na liham ng pagbabanta na karamihan ay walang akda at payo ng gobernador na siya ay bumalik sa ibang bansa.
    Pebrero 3, 1888
  • Nang siya ay dumating sa London, gumawa siya ng maraming pagbabago sa banghay ng nobelang ito. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, France at Madrid, Spain.
    1888
  • Ang inisyal na manuskrito ay natapos niya sa Biarritz, France, ngunit dahil sa iba't-ibang mga suliranin gaya ng pinansiyal ay hindi niya ito nailathala

    Marso 29, 1891
  • Itinigil ang paglilimbing sa nobela sapagkat natagalan ang tulong na kanyang hiningi sa kanyang mga kaibigan. Hindi ragtagal ay dumating ang salapi na kailangan ni Rizal sa kaibigang si Valentin Ventura.
    Agosto 6, 1891
  • Sa Ghent, Belgium natapos limbagin ni Jose Rizal ang aklat.
    Setyembre 1891
  • SIMOUN
    Si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere nagkukunwaring mayamang mag-alahas na naika salaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at tagapagpayo rin siya ng Kapitan Heneral.
  • BASILIO
    Estudyante ng medisina. Kasintahan niya si Juli. Kalaunan ay naging kakampi niya si Simoun.
  • ISAGANI
    Estudyanteng mapamangkin ni Padre Florentino. Kasintahan niya si Paulita. Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.
  • KABESANG TALES
    Ama nina Juli at Carolina. Isang magsasaka na naging tulisan na naghimagsik na tinnugis noon ng pamahalaan. Naghangad ng karapatan sa lupang sinasaka na inaangkim ng mga pari.
  • TANDANG SELO
    Ama ni Kabesang Tales. Nabaril ng kanyang sariling apo.
  • PLACIDO PENITENTE
    Probinsyanong estudyante na nag-aral sa Maynila. Ang mag-aaral na nawalan ng gawang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliranin ng paaralan.
  • JULI
    Anak ni Kabesang Tales, apo ni Tandang Selo. Kasintahan siya ni Basilio. Hinalay ni Padre Camora na matagal nang may pagnanasa sa kanya.
  • PAULITA GOMEZ
    Kasintahan ni Isagani, ngunit nagpakasal kay Jalanito Pelaez.
  • BON CUSTODIO
    Kilala rin sa tawag na Buena Tinta. Ang tagapagpasiya sa usaping akademya ng wikang Kastila.
  • GINOONG PASTA
    Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliranin legal.
  • BEN ZAYB
    Isang manunulat sa pahayagan ngunit hindi tutoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita ay laging iniisip ang sariling kagustuhan at hindi ng katotohanan.
  • PADRE CAMORA
    Ang mukhang artiyerong kura ng Tiyani, ang paring gumahasa kay Juli. Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panluloob sa banay-liwaliwan.
  • PADRE FERNANDEZ
    Isang panitikong propesor, isang paring may malayang paninindigan.
  • PADRE SALVI
    Isang Pransiskanong dating kura ng San Diego, may pagtingin kay Maria Clara.
  • PADRE SIBYLA
    Dominikanong Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas.
  • PADRE FLORENTINO
    Ang amain ni Isagani. Pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng hininga.
  • JUANITO BELAEZ
    Estudyanteng kabilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigilawan ng mga propesor. Nakatuluyam ni Paulita Gomez sa bandang huli.
  • MACARAIG
    Mayamang estudyanteng sumusuporta sa pagtatag ng Akademya ng Kastila ngunit biglang nawawala sa oras ng kagipitan.
  • SANDOVAL
    Estudyanteng Kastila na kapanalig ng mga mag-aaral sa usapin ng Akademya ng wikang Kastila.
  • PECSON
    Kabilang sa mga estudyanteng nagsusulong para sa Akademya ng wikang Kastila. Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria Macanista de Belen, gusto kung saan ay kaniyang tinggelig sa ang mica pari.
  • TADEO
    Kabilang sa mga estudyanteng nagsusulong para sa Akademya ng wikang Kastila. Isang estudyanteng taman mag-aral at magdanahilang may gakit ngunit nakakapasa pa rin sa klase.
  • CAROLINO
    Anak ni Kabesang Takes at kapatid ni Juli. Isang Guardia Civil. Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo.
  • GINOONG LEEDS
    Ang misteryosong Amerikano na nagtatanghal sa perya.
  • DONYA VICTORINNA
    Pilipinang nagpapanggap na Europea, tiyahin ni Paulita Gomez.
  • QUIROGA
    Isang negosyanteng Tsino na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas sa kanyang tindahan. Ipinatago ni Simoun ang mga garidata at pulbura na gagamitin sa himagsikan.
  • MATAAS NA KAWANI
    Ang mataas na kawani ay kapanalig sa mga Indio.
  • KAPITON BASILIO
    Isa sa mga Kapitan ng San Diego.
  • KABESANG ANDANG
    Ina ni Placido na taga-Batangas.
  • HERMANA BALI
    Ang nanghimok kay Juli upang manghingi ng tulong kay Padre Camora na mapalaya ang kasintahan ni Basilio.