Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Kababata at kasintahan ni Maria Clara. Sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan
Maria Clara delos Santos
Kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon
Elias
Piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, at may matatag na kalooban
Pilosopo Tasyo
Iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan na syang ana kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami
Padre Damaso
Kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego. Halimbawa siya ng isang taong madaling auto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
Mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito
Sisa
Mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak
PadreBernardoSalvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego
Padre Hernando Sibyla
Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra
Basilio
Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan
Crispin
Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
Alperes
Punò ng mga guwardiya sibil at mahigpit na tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego, kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
DonyaConsolacion
Dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes
Donya Victorina de Espadaña
Babaeng punong-puno ng kokees Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama't ito ay sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang laging mali
DonTiburciodeEspadaña
Pilay-at-bungal-na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo
Alfonso Linares
Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Malayong pamangkin ni Don Tiburcio
TiyaIsabel
Hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang
DonyaPiaAlbadelosSantos
Ina ni Maria Clara na sa loob ng mahim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak. Namatay matapos maisilang si Maria Clara
Tenyente Guevarra
Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado
Kapitan Basilio
Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. Ama ni Sinang
DonFilipoLino
Tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Mahilig magbasa ng Latin
Lucas
Indio na kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan
Don Saturnino Ibarra
Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias
DonPedroIbarra
Nuno ni Crisostomo Ibarra
KapitanaMaria
Tanging babaeng maka-bayang pumapinig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama
Maestro Nol Juan
Tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan
KapitanPablo
Punò ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias
Salome
Simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Babaeng natatangi sa puso ni Elias
Mga Kaibigan ni Maria Clara
Andeng, Neneng,Sinang,Victoria, Albino,Iday,Leon
JoseRizal
Ang pambansang bayani ng Pilipinas
JoseProtacioRizalMercadoyAlonzoRealonda
Ang buong pangalan ni Jose Rizal
Ipinanganak si Jose Rizal
Ika-19 ng Hunyo, 1861
Siya ay ikapitonganak ni Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales, Alonzo RealondayQuintos
Alinsunod sa kapasiyahan ni Gobernador-Heneral Claveria sa isang kautusan nito noong ika-21 ng Nobyembre, 1849 ay ginamit ng pamilya ang apelyidong Rizal na nangangahulugang "luntiang bukirin"
Donya Teodora
Ang inang si Donya Teodora ang kanyang naging unang-guro
Hindi lamang pagbasa, pagsulat, at pagbilang ang natutuhan niya sa kanyang ina kundi maging ang pagdarasal at pagsagot sa mga dasal
Siyamnataonggulang si Jose nang siya ay ipinadala sa Binyang at dito'y nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Ginoong Justiniano Aquino Criz
Noong ika-20 ng Enero, 1872 ay nagsimulang pumasok si Jose Rizal sa Ateneo Municipal de Manila