filipi

Subdecks (2)

Cards (82)

  • Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda
    1. Pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
    2. Pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
    3. Pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
  • Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo
    Batay sa ginawang timeline
  • Nagagamit sa pagbubuod
    • Tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa)
    • Wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata
  • Sino si Jose Rizal?
  • Jose Rizal
    • Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda
    • Isinilang noong ika-19 ng Hunyo, 1861, sa Kalamba, Laguna
    • Namatay noong ika-30 ng Diseyembre, 1896 sa Bagumbayan (Luneta)
    • Anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso
  • Jose
    Pinangalan ng kanyang ina bilang pagbibigay karangalan kay San Jose na isang patron
  • Protacio
    Sa karangalan ni San Protacio isang martir,kapistahan niya tuwing ika-19 ng hunyo
  • Rizal
    Apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sagulo
  • Mercado
    Tunay na apelyido ng kanyang ama.Hango sa Espanol na salita "Palengke o pamilihan"
  • Alonso Realonda
    Tunay na apelyido ng kanyang Ina noong dalaga
  • Y
    Ito ay nangangahulugang (at) sa wikang kastila
  • Pagkakaiba ng Noli me Tangere at El Filibusterismo
    • Noli Me Tangere
    • El Filibusterismo
  • Noli Me Tangere
    • Alay sa Inang Bayan
    • Nobelang Panlipunan
    • Nalimbag sa Alemanya
    • Si Maximo Viola ang nagpahiram kay Rizal upang mapalimbag ang nobela
  • El Filibusterismo
    • Nailimbag sa Gante, Belhika
    • Valentin Ventura ang kaibigan na nagpahiram ng pera kay Rizal
    • Alay sa Gomburza
    • Nobelang Pulitikal
  • Maligayang Pagpasok sa Mundo ng El Filibusterismo! Halina't samahan natin si Bb. Klay na tuklasin muli kung sino ang mga karakter sa Nobelang ito...
  • Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili
    1. Sa London noong 1890
    2. Ayon kay Maria Odulio De Guzman,binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong huling buwan ng 1884 at unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli
    3. Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium
  • Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos at Zamora
  • Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal
    Ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political
  • Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp
  • Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela
  • El Filibusterismo
    • Ang akto ng Paglabag o Pagtaliwas sa batas
    • Ang Paghahari ng Kasakiman
    • The Reign of Greed (eng.)
  • Inihahandog ni Rizal sa Gom-Bur-Za ang El Filibusterismo
  • Kahit pa mismo ang arsobispo ang humingi ng kapatawaran dahil alam naman talaga niya na inosente ang tatlong pari,ngunit ipinabitay parin ang Gom-Bur-Za noong bukang liwayway ng Pebrero 17,1872
  • Simoun: '"Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin. Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga." "Pinag-uusapan siya ng lahat dahil mayaman... Bumabalik ang mga sundalo mula sa mga kampanya, may sakit at sugatan, ngunit walang dumadalaw sa kanila!"'
  • El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) ang sumunod sa akdang "Noli Me Tangere" o Huwag mo Akong Salingin (Touch Me Not) na sinulat ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala sa katawagang Dr. Jose Rizal ay tumatalakay sa mga kanser ng lipunan, isang pampulitakang nagpapadama, nagpapagising at nagpapaalab ng mga damdamin ng bawat mamamayang Pilipino sa pagbabalik tanaw sa 333 taon na pananakop ng mga Español sa Pilipinas na nagsimula nagsimula noong 1521
  • El Filibusterismo
    Karugtong ng Noli Me Tangere, mas kakaunti ang katatawanan at hindi gaanong idealism at romantiko, mas rebolusyonaryo at kalunos-lunos
  • Ang orihinal na manuskrito ng el Filibusterismo na nasa sulat kamay ni Rizal ay iniingatan sa Filipiniana Division ng Bureau of Public Libraries sa Maynila
  • Ang orihinal na manuskrito ng el Filibusterismo ay binili ng pamahalaang Pilipino kay Valentin Ventura sa halagang P10,000.00
  • Ang orihinal na manuskrito ng el Filibusterismo ay binubuo ng 279 na pahina ng mahabang pirasong papel