tauhan

Cards (53)

  • Ang El Filibusterismo ay karugtong ng nobelang Noli Me Tangere na parehong isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal
  • Mga tauhan ng Noli Me Tangere na matatagpuan din sa El Filibusterismo
    • Simoun (Crisostomo Ibarra)
    • Basilio
    • Donya Consolacion
    • Kapitan Tiago
    • Mga prayle
  • Marami ring nadagdag na tauhan sa nobelang El Filibusterismo na wala sa Noli Me Tangere
  • Mga tauhan ng El Filibusterismo

    • Simoun
    • Basilio
    • Kapitan Tiago
    • Isagani
    • Kabesang Tales
    • Tandang Selo
    • Huli
    • Kapitan Heneral
    • Mataas na Kawani
    • Don Timoteo Pelaez
    • Juanito Pelaez
    • Paulita Gomez
    • Donya Victorina
    • Don Tiburcio
    • Ben Zayb
    • Macaraig
    • Pecson
    • Sandoval
    • Placido Penitente
    • Tadeo
    • Padre Salvi
    • Padre Camorra
    • Padre Fernandez
    • Padre Florentino
    • Padre Irene
    • Padre Millon
    • Ginoong Pasta
    • Don Custodio
    • Quiroga
    • Kapitan Basilio
    • Hermana Bali
    • Hermana Penchang
    • Kabesang Andang
    • Kapitana Tika
    • Ginoong Leeds
    • Imuthis
    • Pepay
    • Sinong
    • Mautang
    • Carolino
    • Tiyo Kiko
    • Paciano Gomez
    • Camaroncocido
    • Sinang
    • Momoy
    • Kapitan Loleng
    • Kapitan Toringgoy
    • Chichoy
    • Maria Clara
  • Simoun ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo
  • Basilio ay kasintahan ni Huli; mag-aaral sa medisana; kalaunan ay napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya
  • Kapitan Tiago ay kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing
  • Isagani ay pamangkin ni Padre Florentino; kasintahan ni Paulita Gomez
  • Kabesang Tales ay anak Tandang Selo; Ama ni Lucia, Huli at ni Tano; ginipit ng mga pari sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking buwis
  • Tandang Selo ay ama ni Kabesang Tales; lolo ni Huli
  • Huli ay anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio; nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra
  • Kapitan Heneral ay kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan
  • Mataas na Kawani ay kagalanggalang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan at may pananagutan
  • Don Timoteo Pelaez ay ama ni Juanito Pelaez; naging kasanib ni Simoun sa negosyo
  • Juanito Pelaez ay pinakasalan ni Paulita Gomez bandang huli
  • Paulita Gomez ay naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina
  • Donya Victorina ay tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio
  • Don Tiburcio ay pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina; nagtungo kay Padre Florentino upang doon magtago
  • Ben Zayb ay isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita
  • Macaraig ay isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila
  • Pecson ay mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito
  • Sandoval ay Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Placido Penitente ay estudyanteng nais nang tumigil sa pag-aaral; anak ni Kabesang Andang na taga-Batangas; nilait ni Padre Millon ng wala itong maisagot sa kanyang klase sa Pisika
  • Tadeo ay tamad na mag-aaral; mahilig magdahilan na may sakit upang hindi makapasok sa paaralan
  • Padre Salvi ay dating kura sa San Diego; pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara (ang kumbento kung saan naroon si Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral
  • Padre Camorra ay paring gumahasa kay Huli
  • Padre Fernandez ay paring natatangi; may paninindigan; hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle
  • Padre Florentino ay amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni Simoun bago ito mamatay
  • Padre Irene ay paring nakikiisa sa pagtatatag ng akademya ng wikang Kastila
  • Padre Millon ay paring guro sa pisika; lumait-lait sa estudyanteng si Placido Penitente ng wala itong maisagot sa kanyang klase
  • Ginoong Pasta ay tagapayo ng mga prayle
  • Don Custodio ay siya si Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang "Buena Tinta"; ang magdedesiyon sa akademya ng wikang kastila
  • Quiroga ay intsik na mangangalakal; sa bodega nito ipinatago ni Simoun ang mga armas na gagamitin sa paghihimagsik
  • Kapitan Basilio ay mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni Sinang
  • Hermana Bali ay ang nagsabi kay Huli na lumapit kay Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio
  • Hermana Penchang ay relihiyosang amo ni Huli
  • Kabesang Andang ay ina ni Placido Penitente; taga-Batangas
  • Kapitana Tika ay asawa ni Kapitan Basilio; ina ni Sinang
  • Ginoong Leeds ay amerikanong nagtanghal sa perya
  • Imuthis ay nagsasalitang ulo sa perya