lesson 1

Cards (17)

  • Kasaysayan
    Salitang salinwika ng salitang ingles na history
  • Historia
    Nangangahulugan ng isang malalim na pag-uusisa at pagsisiyasat
  • Kasaysayan
    • Isang sangay ng kaalaman kung saan pinagaaralan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao, mga bansa, at daigdig noong mga nakalipasna panahon
    • Isang salaysay na may saysay (a story with meaning)
    • Sapagkat patuloy na pag-uusap sa pagitan ng kasalukuyan at nakaraan
  • History, interpretation of the past
  • Batas republika bilang 10066 - national cultural heritage act - pagkilala sa mga ambag ng mga pambansang kayamanan at pamanang kultural kabilang ang mga relikya, liktao, document, mga dibuhong mga bambansang alagad ng sining, mga dambana at museo
  • Herodotus
    Isang Griyegong manunulat na lumikha at unang gumamit ng terminong 'historia'
  • Kahalagahan ng Kasaysayan
    • Nagbibigay-daan sa atin na obserbahan at maunawaan kung paano kumilos ang mga tao at ang lipunan
    • Nakakatulong ito sa atin na maunawaan ang nakaraan upang maunawaan ang hinaharap at makatulong sa paglikha ng isang mas mabuting lipunan
    • Tinutulungan tayo ng kasaysayan na maunawaan ang pagbabago
    • Itinatala at tinutulungan nito ang mga tao na maunawaan ang mga tagumpay at kabiguan
  • Historikal na rebisyunismo
    Paraan kung saan ang mga tala sa kasaysayan ng lipunan gaya ng nauunawaan sa pinagsama-samang alaala nito at patuloy na nagsasaalang-alang ng mga bagong katotohanan at interpretasyon ng mga pangyayaring karaniwang nauunawaan bilang kasaysayan
  • Ang ideya ng historical na rebisyunismo ay hanapin ang katotohanan sa isang nakaraang pangyayari, kumpletuhin ang mga makasaysayang panorama, at pagyamanin ang paraan ng pagtingin natin sa mga kaganapang humubog sa ating kasalukuyang katotohanan
  • Ang muling pagtatayo ng nakaraan upang i-update ito ay hindi masama, hangga't sumusunod ito sa mga pamantayan ng akademikong pananaliksik
  • Ang pagtanggi sa mga nangyari sa nakaraan ay isang uri ng pagbaluktot sa kasaysayan (historical distortion)
  • Ang pagbaluktot sa kasaysayan ay nangyayari kapag ang mga makasaysayang pangyayari o mga salaysay ay binago upang umangkop sa isangpersonal na layunin, nagsasangkot ito ng maling impormasyon at kasinungalingan para baguhin ang kasaysayan
  • Batayan ng Kasaysayan
    • Mga batis o sources
    • Mga sanggunian na makapag-papatunay na ang isang kasaysayan ay nangyari o naganap
    • Maaring nakasulat at di-nakasulat
  • Primaryang Batis
    Sanggunian na may tuwirang kaugnayan sa paksa samakatuwid, kapanahon o mula sa panahong ng mga pangyayari ng pinagaaralang paksa ang mga dokumento, salaysay na galing sa isang eye-witness o naranasan ang pangayyaring paguusapan, tumutukoy ito sa orihinal na mga kagamitan ng mga sinaunang tao
  • Sekondaryang Batis
    Mga sangunian na hindi kapanahon o hindi ngmula sa mga nakaranas ng pangyayari, mga salaysay na binatay na lamang sa mga primaryang batis, mga kagamitan na nakabatay sa orihinal na kopya nito
  • Kahalagahan ng mga Batis sa Pag-aaral ng Kasaysayan
    • Maiiwasan ang mga maling kaalaman at interpretasyon
    • Maraming mga sekundayang sanggunian ang isinulat ng mga mahuhusay namananalaysay, ngunit mas kawili-wili pa ring basahin ang mga primaryang sanggunian
    • Punung-puno ang mga sekundaryang sanggunian ng mga interpretasyon at opinyon ng mga manunulat
  • Mga Repositoryo ng Primaryang Batis sa Pilipinas
    • Published and unpublished documents, paintings, artifacts, fossil
    • The national archives of the philippines
    • The national library of the philippines
    • The national museum of the philippines
    • Pambansang dambana
    • Gusali ng sentrong pangkultura ng pilipinas
    • Gusali ng national commission of the philippines
    • Intramuros administration