POTA PAGBASA

Cards (31)

  • Ang mahusay na pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pagsusuri ng impormasyon at datos hinggil sa isag tiyak na paksa o isyu
  • KAHALAGAHAN NG MAHUSAY NA PANANALIKSIK
    1. pagpapalawak ng kaalaman
    2. pagpapahalaga ng ebidensiya
    3. pag-aambag sa agham at teknolohiyaa
    4. pagsasaliksik ng mga problema
    5. pagtuturo at edukasyon
  • KATANGIAN NG MAHUSAY NA PANANALIKSIK
    1. sistematiko
    2. obhetibo
    3. metodikal
    4. kritikal na pag-iisip
    5. pagsusuri ng mga resulta
    6. agham sa komunikasyon
  • sistematiko
    ang poseso ng pananaliksik ay dapat na may sistematikong pagkakaasunod-sunod ng mga hakbang
  • obhetibo
    ang pananaliksik ay dapat na walang kinikilingan o personal na prehuwisyo. ito ay nakabatay sa ebidensya at datos
  • metodikal
    ang pagsasagawa ng pananaliksik ay dapat sundan ang tamang metodolohiya o paraan ng pagsasaliksik
  • kritikal na pag-iisip
    ang mga mananaliksik ay dapat magkaruon ng kritikal na pag-iisip sa pag-aanalisa ng mga datos at impormasyon
  • pagsusuri ng mga resulta
    ang mga resulta ng pananaliksik ay dapat suriin at interpretahin nang maayos
  • PAMAGAT
    ito ang unang bahagi ng pananaliksik at nagpapakita ng pangunahing paksa o tema ng pag-aaral
  • INTRODUKSYON
    ito ay bahagi ng pananaliksik na nagpapakilala ng kabuuan ng paksa. karaniwang kasama dito ang pagsusuri ng konteksto ng problema
  • PANIMULA
    karaniwanf ininapakilala ang pananagot ng mananaliksik at ang kaniyang motibasyon sa pagsasagawa ng pananaliksik
  • LAYUNIN NG PAG-AARAL
    dito ay ipinapakilala ng mananaliksik ang mga konkretong layunin ng pananaliksik
  • KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
    karaniwang isinasalaysay dito ang mga posibleng kongtribusyon ng panananliksik sa kaalaman o lipunan
  • SAKLAW AT LIMITASYON
    ipinapakilala ng mananaliksik ang mga limitasyon o mga pook na hindi nasakop ng pag-aaral
  • METODOLOHIYA
    ipinapakilalal dito ang mga hakbang at pamamaraan sa ginamit na pag-aaral, kasama ang mga teknik at instrumentong ginamit
  • KABANATA NG LITERATURA
    inilalalatag ang mga kaugnay na pag-aaral o akda na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik
  • PAG-AANALISA NG DATOS
    nilalagom ang mga datos na nakukuha mula sa pananaliksik at inaayos ito sa paraang mas mauunawaan ng mga mambabasa
  • KASAYSAYAN O REBYU NG PAG-AARAL
    dito nilalagay ang pangunahing mga resulta, konklusyon at rekomendasyon
  • PUMILI NG PAKSA
    pumili ng paksang kinagigiliwan at nangangailangan ng m,alalim na pagsusuri
  • KUMALAP NG IMPORMASYON
    maaaring kumuha ng mga ideya at impormasyon mula sa internet
  • BUMUO NG TESIS NA PAHAYAG
    ang tesis na pahayag ay kadalasang isang pangungusap na nagsasaad ng argumento ng sulatin at karaniwang makikita sa panimulang bahagi
  • GUMAWA NG ISANG TENTATIBONG BALANGKAS
    ang layunin ng pagbuo nmg isamg tentatibong balangkas ay makagawa ng isang lohikal at konkretong pagkakaksunod-sunod ng mga ideya
  • PAGSASAAYOS NG MGA TALA
    organisahin ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap ayon sa pagkakasunod-sunod
  • MGA ELEMENTO NA NAKAKATULONG SA PAGLILIMITA NG PAKSA
    1. EDAD - tumutukoy sa takdang bilang ng mga taon ng isang tao mula sa kaniyang kapanganakan
    2. PANAHON - tumutukoy sa takdang panahon, kapanahunan, o kasalukuyang panahon ng isang pangyayari o sitwasyon
    3. URI AT KATEGORYA - mga uri na tumutukoy sa paglilinaw at pagkakategorya ng mga elemento bagay
    4. KASARIAN - tumutukoy sa kalagayan ng tao bilang isang lalaki o babae
    5. LUGAR O ESPASYO - tumutukoy sa pisikal na lokasyon o lugar na isinasaalang-alang sa pag-aaral
    6. PANGKAT, GRUPO - tumutukoy sa grupo ng mga indibiwal na
    7. PERSPEKTIBA - tumutukoy sa pananaw
  • MAPA NG KONSEPTO
    isang uri ng graphic organizer na nagpakita ng ugnayan ng mga konsepto at ideya
  • HIERARCHICAL CONCEPT MAP
    nagpapakita ng mga konsepto na nakaayos sa isang hirarkiya o pagkakasunod-sunod
  • SPIDER MAP
    nagsisimula sa pangunahing konsepto o ideya sa gitna, at ang mga kaugnay na konsepto o ideya ay nakaugnay sa ito tulad ng mga sanga sa isang halaman
  • FLOWCHART
    grapikal na representasyon ng mga proseso, hakbang, o kahihinatnan ng isang sistema o pangyayari
  • MINDMAP
    isang malayang anyo ng mapa ng konsepto na nagpapakita ng mga konsepto na nakaugnay sa isang pangunahing ideya
  • PAGTATALA
    paraan ng maayos na pagpapahayag ng mga ideyang nakuha mula sa ibang sanggunian
    1. DIREKTANG SIPI -makikilala ang mga inihayag na sipi dahil naiiba ang porma nito
    2. BUOD - ibinubuod dito ang nilalaman ng teksto
    3. HAWIG - nagkakaroon ng pagbabago sa estruktura ng salita at pangungusap
    4. PRESIS -
    5. ABSTRAK - naglalaman ito ng kabuuan tulad ng mga layunin ng pag-aaral, teoryang ginamit etc.
    6. PAGSASALING-WIKA - ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito