Ang ibong nakapagpagaling sa karamdaman ni Haring Fernando. Siya ay nalalagi sa puno ng Piedras Platas mula sa bundok Tabor.
Haring Fernando
Siya ay ang asawa ni Donya Valeriana at ang ama nina Don Pedro, Don Diego at ni Don Juan. Hari ng Kaharian ng Berbanya. Nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Reyna Valeriana
Ang asawa ni Don Fernando. Isang mapagmahal na asawa at ina sa kaniyang tatlong anak. Reyna ng Kaharian ng Berbanya.
Don Pedro
Panganay na anak ng hari at reyna. Unang naglakbay upang hanapin ang Ibong Adarna.
Don Diego
Ikalawang anak ng hari at reyna. Siya ang ikalawang naglakbay upang kunin ang Ibong Adarna.
Don Juan
Bunsong anak ng hari at reyna. Siya ang nakahuli sa Ibong Adarna. Makisig, matapang, at may mabuting kalooban.
Mediko
Siya ang tanging nakatalos sa sakit ni Haring Fernando. Ipinayo niyang hanapin ang Ibong Adarna sapagkat ang awit nito ang tanging lunas sa sakit ng hari.
Leproso
Ang nagsabi ng mga bagay na dapat gawin ni Don Juan pagdating niya sa bundok tabor.
Ermitanyo
Ang matandang lalaki na naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang mailap na ibon.
Higante
Ang mabagsik, malupit at malakas na tagapagbantay ni Donya Juana.
Donya Juana
Ang unang nagpatibok sa puso ni Don Juan. Siya ay binabantayan ng higante. Siya ang panganay na kapatid ni Donya Leonora.
Matandang Uugod-ugod
Ang tumulong kay Don Juan upang manumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
Donya Leonora
Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana. Siya ay bihag ng isang Serpiyente.
Lobo
Ang alaga ni Donya Leonora na tumulong kay Don Juan nang siya ay mahulog sa balon.
Serpyente
Isang malaking ahas na may pitong ulo. Ang nagbabantay kay Donya Leonora.
Donya Maria Blanca
Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Siya ang nakatuluyan ni Don Juan.
Haring Salermo
Ama ni Donya Maria Blanca. Ang nagbigay ng pagsubok kay Don Juan.