Ang uri ng edukasyong ito ay pangkaraniwang isinasagawa sa labas ng silid-aralan, sa mga komunidad at learning center, barangay hall, silid-aklatan, o tahanan. hindi pormal na edukasyon
Nilalayon nito na matulungan Ang mga hindi nakapapasok sa paaralan upang makakuha ng elementarya at sekondaryang edukasyon. ALS
Sa programang ito, ang tagapagturo (instructor) ay pisikal na malaya sa tinuturuan (learner) at posibleng naisagagawa ang pagtuturuan sa magkaibang oras. distance learning
Kinilala ito ng Commission on Higher Education (CHED) bilang National Center of Excellence in Open Learning and Distance Education dahil sa naging mahalagang papel nito na makapagbigay ng serbisyong edukasyon sa bansa. UPOU
Ang founding president ng E-Learning Practitioners Association of the Philippines, Inc. (ELPAP, Inc.). Professor Jensen DG. Manebog
Ang lahing ito ay may pagkakilala at malalim na pagpapahalaga sa edukasyon. Pilipino
Ang nagsisilbing tagapaghanda sa mga bata para sa primaryang edukasyon (primary education). preschool
Ginagamit na sistema ng edukasyon sa halos lahat ng bansa sa buong mundo. K-12 program
Halimbawa ng pribadong paaralan na sa kasalukuyan ay may maraming mag-aaral sa ilalim ng programang distance education. New Era University
Isang website kung saan may mga libreng e-learning reviewer para sa National Achievement Test (NAT) at college entrance exam. OurHappySchool.com
Isang departamento ng gobyerno na nagpapatakbo ng Isang extension program na tinatawag na e-learning para sa Agrikultura at Pangisdaan katuwang Ang Agricultural Training Institute. Department of Agriculture
Ang online program ng TESDA na may inaalok na mga online na kursong naglalayong maipaabot sa mga mamamayan ang teknikal na edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya ng internet. TOP
Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga nagtapos ng elementarya, mga high school dropout, at mga pumasa sa Philippine Education Placement Test (PEPT) upang makompleto ang sekondaryang edukasyon sa pamamagitan ng distance learning. OHSP
Isang uri ng edukasyon sa mga bata na isinasagawa sa loob ng kani-kaniyang tahanan. home education
Isang nondegree na Programa na naglalayong makapagbigay ng mga kaalaman at kasanayang kailangan upang makapaghanapbuhay. TVET
Ang pag-aaral gamit ang mga elektronikong kasangkapan (electronic gadgets). e-learning
Ito ang e-learning na hinaluan ng mga tradisyonal na pamamaraan sa pag-aaral. blended learning
Ang Isang grupong naitatag noong 2003 sa Maynila at aktibong nagtataguyod at gumagamit ng e-learning at may layuning magtaguyod ng paggamit ng teknolohiya ng e-learning. PeLS
Nakaangkla sa pilosopiya nito ang Open High School Program (OHSP). Batas Pambansa 232