AP 4TH PRELIMINARY

Cards (32)

  • Ang mga paglalakbay na ito ay unang pinamunuan ni PrinceHenry TheNavigator noong taong 1415
  • hanggang sa ito ay sinundan ng panibagong serye ng ekspedisyon sa pangunguna naman ni BartolomeoDias noong taong 1488 na nakatuklas sa isang lugar na tinawag niyang CapeofStorm na kalaunan ay tinawag bilang
    CapeoftheGoodHope
  • Muli itong sinundan ng paglalakbay ni VascodaGama na nakatuklas naman ng ruta patungong India
  • Nagsagawa din ng apat na paglalakbay si ChristopherColumbus kung saan natuklasan niya ang apat na mga lugar na ngayon ay Venezuela, Panama, Dominica, at Antigua.
  • Noong taong 1510 naging matagumpay rin ang ekplorasyon na pinangunahan naman ni VascodeBalboa na nagtayo ng kaniyang permanenteng tirahan sa Silangang baybayin ng Isthmus ng Panama
  • Samantala, ito ay sinundan naman ng eksplorasyon ni FerdinandMagellan na nakatuklas naman ng konsepto ng circumnavigation na nagpapaliwanag na bilog ang mundo dahil sa paikot na naging ruta nito sa paglalakbay
  • Malaki rin ang naging kontribusyon ng eksplorasyon na isinagawa ni FranciscoPizarro dahil sa pagkakasakop nito sa America, Peru, at Inca bilang bahagi ng kolonya ng Spain.
  • Lalo pang napalakas ang impluwensiya at kapangyarihan ng Europa dahil sa KasunduanngTordesillas na naganap noong taong 1494, na binansagang TheNewWorld, dahil hinati ng dalawang makapangyarihang bansa ng Spain at Portugal ang daigdig bilang mga kolonya nito.
  • Naniniwala rin ang mga Europeo na mayroong daan sa Hilagang Amerika patungong Asya kaya naman sila ay nagtatag ng mga kolonya dito kabilang na ang pananakop ng France sa silangang bahagi ng Canada sa pamumuno ni JacquesCartier noong taong 1534
  • Sinundan naman ito ng pananakop ni SamueldeChamplain na kinilala bilang "AmangBagongFrance" noong taong 1608 kung saan matagumpay niyang nasakop ang lugar na ngayon ay Quebec.
  • Ito ay pinamunuan ni JohnCabot at natuklasan ang isla ng Newfoundland na bahagi ng Canada
  • Sa kabilang banda, ang mga kolonya naman sa ilalim ng Portugal ay napanatili ang kapayapaan at hindi gumamiting sandatahang lakas dahil ito ay nagtatag lamang ng mga imperyong pangkalakalan upang palaganapin ang sistemang merkantilismo na pinangunahan ni DonAlfonsodeAlbuquerque.
  • Ang panahong ito ay itinuring bilang panahonngEnlightenment na nagsimula noong taong 1700, kung saan nagkaroon ng mas konkretong basehan ang mga kaalaman, paniniwala, at mga gawaing panlipunan.
  • Ito ay nagsimula sa pagpapanumbalik ni CharlesII taong 1660 at kalauna'y sinundan naman ni JamesII noong taong 1685.
  • Samantala, ang MaluwalhatingRebolusyon naman na naganap noong taong 1688 na tumagal hanggang 1689, kung saan nakitang kinoronahan sina William at Mary bilang bahagi ng bagong pamayanang Protestante, ay ang kinalabasan ng mga kilusan para sa pagbabago sa pulitika.
  • Isa sa mga pilosopong nagkaroon ng malaking kontribusyon sa panahon ng Enlightenment ay si ThomasHobbes na sumulat ng akdang Leviathan noong taong 1651.
  • Taong 1690 ay nakilala naman si JohnLocke na nagpakilala ng konseptong maluwalhating rebolusyon sa pamamagitan ng kaniyang aklat na TreatisesofGovernment sa paniniwalang ang gobyerno ay may pangunahing layunin na bigyang proteksiyon ang karapatan ng mga mamamayang nasasakupan.
  • Ipinakilala naman ng pilosopong mula sa France na si BarondeMontesquieu ang kaniyang akdang TheSpiritofLaws noong taong 1748.
  • Nagbigay din ng malaking impluwensiya ang 28 volume ng Encyclopedia na isinulat ni DenisDiderot na nagtatalakalay ng iba't ibang paksa kaugnay sa larangan ng agham, sining, relihiyon, gobyerno, at iba pa
  • Ang malalim na pagbabago sa siyentipikong pag-iisip na naganap sa kabuuan ng ika-16 at ika-17 siglo ay itinuring bilang
    RebolusyongSiyentipiko.
  • Ang isang bagong kaalaman sa magnetism at kuryente, ang pagtatatag ng biologicaltaxonomy malaking pag-unlad sa pagsasanay ng medisina, matematika, at pisika, at ang pagkahinog ng kimika bilang isang disiplina na naglatag ng batayan para sa modernong kimika, ay naganap sa parehong panahon.
  • Isa si GalileoGalilei na isang matematiko at siyentista na mula sa Italy ang nagbigay ng impluwensiya sa panahon ng rebolusyong siyentipiko sa pamamagitan ng kaniyang akdang,
    DialogueConcerningtheTwoChiefWorld Systems, noong taong 1632.
  • Ipinakilala naman ni LeonardodaVinci ang kahalagahan ng eksperimento upang maging konkreto at tiyak ang mga kaisipan at konsepto mula sa larangan ng agham.
  • Napaunlad pa lalo ang interes ng mga siyentista pagdating sa gitnang bahagi ng ika-17 siglo na nagdulot ng mas maraming pananaliksik at imbensyon tulad ng pagkakaimbento ni OttovonGuericke ng Germany sa kauna-unahang air pump.
  • Ito ang nagbigay daan sa pag-unlad ng sistema ng transportasyon at makinarya sa paggawa. Natuklasan din ang paggamit ng thermometer na naimbento naman ni Gabriel Fahrenheit
  • Kasabay ng rebolusyong siyentipiko ang pagpapaunlad sa larangan ng medisina kung saan nagkaroon ng bagong kaalaman na nagsimula sa larangan ng anatomiya mula sa konsepto at mga pag-aaral ni Galen hanggang sa nagkaroon ng makabagong medisina sa pangunguna ni Paracelsus.
  • Ang RebolusyongIndustriyal ay isang panahon ng paglago sa ikalawang kalahati ng ika-18 siglo na nagresulta sa industriyalisasyon ng mga rural, agraryong kultura sa Europa, at Amerika.
  • Taong 1701 unang naimbento ni JethroTull ang Seed Drill na ginamit sa mas mainam na pagpapakalat ng mga binhi sa lupang sinasaka.
  • Sinundan naman ito ng kaalamang natuklasan ni CharlesTownshend noong taong 1731 na tinawag na "Four Field Crop Rotation", na nagpa-unlad sa sistema ng pagpapalago ng mga pananim.
  • Kasabay ng mga kaganapang ito ang paglago ng industriya ng tela sa Britain kung kaya't natuklasan din ang paggamit ng Flying Shuttle ni JohnKay na naging instrumento sa pagpapabilis ng paghahabi.
  • Samantala, nagkaroon din ng mga pagbabago sa sistema ng transportasyon at imprastraktura na pinangunahan ng mga inhinyero mula Scottland na sina JohnMcAdam at ThomasTelford sa paggawa ng turnpikes o mga pribadong daan na ginamit upang mapabilis ang paglalakbay.
  • Ang unang komersyal na sistema ng telegrapo ay nilikha noong taong 1837 nina WilliamCooke at CharlesWheatstone ng Great Britain, habang si SamuelMorse at iba pang mga Amerikanong imbentor ay gumagawa ng kanilang sariling mga bersyon.