Ang pag-alam sa kahulugan, kahalagahan at mga kasanayang matututunan rito ay mahalaga upang maging mas epektibo at makabuluhan ang kabuuang karanasan sa pagbabasa
Pagbasa
Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay may isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon
Tekstong akademiko
Nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo at maparaang pagbasa upang lalong maunawaan ang mga binabasang akda
Maingat
Kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensya at suriin kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang
Aktibo
Habang nagbabasa ay may pagtatala at may anotasyong ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinapahayag ng teksto
Maparaan
Maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti ang teksto
Replektibo
Nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling kaalman ng mambabasa
Kinakailangang unawain ng isang mapanuring mambabasa
Sinasabi ng teksto
Inilalarawan ang teksto
Ipinapahiwatig ng teksto
Uri ng teksto
Informativ
Deskriptiv
Ekspository
Prosijural
Argumentativ
Persweysiv
Referensyal
Mga estratehiya sa mapanuring pagbasa
Skimming
Scanning
Brainstorming
Previewing
Contextualizing
Questioning
Outlining
Summarizing
Evaluating
Comparing and Contrasting
INFORMATIV -Ito ay uri ng teksto na nagbibigay at naglalahad ng mahahalagang impormasyon, kaalaman at kabatiran. Hal. Ang Paglaganap ng HIV at AIDS: Isang Pagtuklas
DESKRIPTIV
Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, bagay, lugar. Hal. BongBong Marcos: Bagong Pangulo ng Republika; Bagong Mukha ng Pulitika
EKSPOSITORY Ito ay tiyakang naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, mga inisip at mga palagay sa sailing pananaw sa tekstong eksposisyon. Hal. Ano ang Climate Change?
PROSIJURAL
Ito ay nagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay, na kung saan layunin nitong magbatid ng mga wastong hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng tekstong prosijural. Hal. Paghahanda sa Panahon ng Kalamidad
ARGUMENTATIV Ito ay isang teksto na naglalahad ng proposisyon upang makahikayat at magpaliwanag ang teksto kung ito'y nagpapakita ng mga proposisyon sa umiral na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang proposisyon.
Hal. Senior High School:
Handa na ba ang Pinoy
PERSWEYSIV Ang textong ito ay naglalahad ng mga konsepto upang makahikayat at ito ay maaaring masaya, malungkot, mapanibak at iba pa.
Hal. Kooperasyon: Panibagong Solusyon sa Bagong Hamon
REFERENSYAL Ito ay tekstong naglalahad ng mga nyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman.