Aralin 1: Introduksyon sa Pananaliksik

Cards (20)

  • Proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
    Pananaliksik
  • Isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang Teknik at pamamaraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon o resolusyon.
    Pananaliksik ayon kay Good (1963)
  • Isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
    Pananaliksik ayon kay Aquino (1974)
  • Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.
    Pananaliksik ayon kay Manuel at Medel (1976)
  • Isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
    Pananaliksik ayon kay Parel (1966)
  • Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik?
    •  Nagbibigay ng pagkakataong makatuklas ng bago at napapanahong mga impormasyon o datos.
    • Naghahamon sa makatuwirang pagpapalagay o pagtanggap sa katotohanan.
    • Nagdaragdag ng panibagong impormasyon sa mga dating ideya o kaisipan.
    • Nagpapatunay sa makatotohanang ideya, interpretasyon, palagay, paniniwala at pahayag.
  • Ano-ano ang mga katangian ng mabuting pananaliksik?
    • Obhektibo
    • Lohikal
    • Empirikal
    • Kritikal
  • Tungkulin at responsibilidad ng mga mananaliksik. 

    1. Maging Mapanuri
    2. Mahinahon
    3. Pamumunang Magpagbuo
    4. Malinis na kaisipan
  • Mga uri ng pananaliksik.
    1. Basic
    2. Action
    3. Applied
  • Ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito.
    Basic
  • Makakatulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan.
    Basic
  • Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong problema o masagot ang mga espesipikong tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
    Action
  • Ang resulta niyo ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik. 
    Action
  • Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral at pagsasaliksik na naghahangad na malutas ang mga praktikal na problema.
    Applied
  • Ang ganitong uri ng pananaliksik ay may mahalagang papel sa paglutas ng pang-araw-araw na mga problema na madalas na may epekto sa buhay, trabaho, kalusugan, at pangkalahatang kagalingan. Ang ganitong uri ng pagsasaliksik ay maaaring magamit sa iba't ibang mga paraan.

    Applied
  • Mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa.
    1. Limitasyon ng panahon
    2. Kabuluhan ng paksa
    3. Kasapatan ng datos
    4. Kakayahang pinansyal
    5. Interes ng mananaliksik
  • Nararapat na may patas, layunin, at nakabatay sa datos ang pananaliksik.
    Obhektibo
  • Nararapat na nakabatay sa katotohanan at katanggap-tanggap na konklusyon ang pananaliksik.
    Lohikal
  • Nakabatay sa pagmamasid at aktwal na pagkuha ng datos ang pananaliksik.
    Empirikal
  • Matalas na paggamit ng kaisipan at malinaw na pagpapaliwanag ng mga datos.
    Kritikal