Filipino

Cards (43)

  • SIMOUN

    Mayamang mag-aalahas, pinagkamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulatao, Portuges, at Cardinal Moreno. Ziya ay si Chrisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere na pinaniniwalaang patay na. Pinalad na yumaman sa ibang bansa. Ang kanyang panunulsol sa mayayaman ay upang pahirapan ang mamamayang Pilipino upang ang mga tao ay mag- aklasan.
  • BASILIO
    Inampon ni Kapitan Tiyago at nakapag-aral ng Medisina sa San Juan de Letran. Katipan ni Juli. Ang matalik na kaibigan ni Basilio na isang Manunulat at Mag-aaral sa abogasya sa kabila ng kahirapan Siya ang lider ng mga estudyante na walang takot sa awtoridad at tuwirang nagsasalita sa kanyang makabayang prinsipyo.Isang Binatang may matatyog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez.
  • ISAGANI
    Mayamang estudyante na nag-aaral sa Ateneo Municipalidad De Manila. Nakipaglaban upang makakuha ng akademya ng Wikang Espanyol.
  • MACARAIG
    Mayamang estudyante na nag-aaral sa Ateneo Municipalidad De Manila. Nakipaglaban upang makakuha ng akademya ng Wikang Espanyol.
  • KABESANG TALES
    Siya ay si Telesforo Juan De Dios, dating cabesa de barangay o punong barangay ng Sagpang, bayan ng tiani. Anak ni Tandang Selo at ama nina Huli at Tano.
  • PADRE FLORENTINO
    Naging isang secular na paring Pilipino dahil sa pamimilit nga kanyang ina kahit na siyay may kasintahan. Nang magpakasal sa ibang lalaki ang kanyang kasintahan, ibinuhos niya ang panahon sa nagiging pari. Tumulong kay Simoun at Don Tiburcio
  • DON CUSTODIO
    Ang buo niyang pangalan ay Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredo at isang tanyag na mamamahayag ng sanggunian ng mga mag aaral hinggil sa kaniyang posisyon sa Academia de Castellano. Sa katotohanan, siya ay isa lamang ordinaryong mamamayan na nagawang makapag-asawa ng mayaman upang mapabilang sa mga tinitingala sa lipunan.
  • HULAAN MO! TAGALOG
  • BUENA TINTA
    DON CUSTODIO
  • PAULITA GOMEZ
    Ang pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Piniling magpakasal kay Juanito Pelaez sa paniniwalang wala siyang magiging magandang kinabukasan ka Isagani.
  • TANDANG SELO
    Ama ni kabesang tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
  • JULI
    Anak ni kabesang tales at apo ni tandang selo. Siya ang nobya ni basilio na hinalay ng paring matagal nang may pagnanasa sa kanya
  • KAPITAN HENERAL
    Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni simoun.
  • PLACIDO PENITENT
    Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan.
  • JUANITO PALAEZ
    Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez
  • DONYA VICTORINA
    Tiyahin ni paulita gomez na mapagpanggap na isang europea ngunit isa namang pilipina.
  • DON TIBURCIO
    Tiyuhin ni paulita gomez na asawa ni Donya Victorina. Sunod-sunuran sa asawa.
  • BEN ZAYB
    Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at laging iniisip ang nansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan
  • PECSON
    Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa panciteria macanista de buen, gusto ipahayag kanyang tinuligsa ang mga pari.
  • SANDOVAL
    Ang kawaning kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • PADRE CAMORRA
    Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay juli. Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan.
  • DON PRIMITIVO
    Isang lalaking palaging nagwiwikang espanyol. Nagdulot ng kaunting kaguluhan sa teatro dahil ayaw umalis sa upuan hindi niya naman pagmamay-ari.
  • PADRE FERNANDEZ
    Ang paring dominikong may malayang paninindigan.
  • PADRE IRENE
    Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng akademya ng wikang kastila
  • PADRE MILLON
    Isang batang dominikong pari na guro sa klase ng pisika. Napabantog ng Pilosopiya sa Ateneo De Municipalidad Manila
  • GINOONG PASTA
    Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning ligal.
  • QUIROGA
    Isang intsik na mangangalakal na magkaroon ng konsulado sa pilipinas. Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni simoun ang mga sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan.
  • HERMANA BALI
    Humimok kay juli upang humingi ng tulong kay padre camorra na mapalaya ang kasintahang si basilio.
  • GINOONG LEEDS
    Ang misteryosong amerikanong nagtanghal sa perya
  • HERMANA PENCHANG
    Ang mayaman at madasaling babae na pinaglingkuran ni juli r mga panahon na kaylangan niya ng pandagdag na salapi para may maipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan.
  • IMUTHIS
    Ang mahiwagang ulo sa palabas ni ginoong leeds.
  • KABESANG ANDANG
    Ina ni placido penitente na taga-batangas.
  • PEPAY
    Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Siya rin an hinilingan ng mga mag-aaral na kumumbinsi kay don custodio para suportahan nito ang paaralang nais nila.
  • CAMARONCOCIDO
    Isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
  • TIYO KIKO
    Isang matandang lalaki na sinasabing matalik na kaibigan ni camaroncocida
  • TANO
    Kapatid ni juli, anak ni kabesang tales at apo ni tandang selo.
  • GERTRUDE
    Mang-aawit sa palabas
  • SERPOLETTE
    Isang mang-aawit sa palabas na kaibigan ni padre irene.
  • PACIANO GOMEZ
    Kapatid ni Paulita Gomez.
  • TADEO
    Estudyanteng tamad mag-aral at nagdadahilang maysakit ngunit nakakapasa pa rin sa klase.