AP Q4 AGRIKULTURA

Cards (8)

  • Land Registration Act ng 1902
    Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
  • Public Land Act ng 1902
    Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
  • Batas Republika Bilang 1160
    Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
  • Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
    Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pangaabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
  • Agricultural Land Reform Code
    Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito.
  • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
     Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
  • Atas ng Pangulo Blg. 27 Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2
    Ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais.
  • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
    Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka..