Sektor ng Agrikultura

Cards (12)

  • Agrikultura
    Isang agham at sining na may kaugnayan sa pagpaparami ng mga hayop at mga halaman, mahalaga sa Ekonomiya
  • Sektor ng Agrikultura
    • Pagsasaka
    • Pangingisda
    • Paghahayupan
    • Pagmamanukan
    • Pangangahoy
  • Pagsasaka
    Isang gawain na nakatuon sa pagtatanim ng iba't ibang uri ng halaman at pananim, ang pangunahing pagkain sa ating bansa tulad ng bigas ay nagmumula sa gawaing ito
  • Pangingisda
    Isa sa sektor ng agrikultura dahil itinuturing isa sa pinakamalaking tagatustos ng mga isda ang bansang Pilipinas, ito ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay sa atin ng pagkain sa pang araw araw at ito rin ang bumubuhay sa mga taong nakatira sa tabing dagat
  • Hipon at Sugpo
    Isa sa pangunahing produkto na iniluluwas sa ibang bansa
  • Paghahayupan
    Malawak ang industriya ng paghahayupan sa bansa natin, ang mga pangunahing inaalagan sa bansa natin ay ang kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at pato
  • Pagmamanukan
    Kabilang din sa sektor ng agrikultura dahil ito ay nagbibigay ambag din sa Ekonomiya dahil sa nabibigay nitong pagkain gaya ng itlog, karamihan ngayon sa atin ay may mga manukan dahil isa sa pangangailangan ng mga tao ngayon ay ang itlog dahil na din sa hanapbuhay nila
  • Pangangahoy
    Pawala na ang ating gubat subalit patuloy pa rin ang paglinang ng yamang kagubatan bilang isang pang-ekonomikong gawain, ang mga produktong nakukuha natin mula rito ay troso, tabla, plywood at veneer
  • Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura
    • Nagpapasok ng dolyar sa bansa
    • Bumibili ng produkto ng Industriya
    • Nagsusuplay ng mga hilaw na materyales
    • Nagbibigay ng Hanap-buhay
  • Mga Suliranin ng Sektor ng Agrikultura
    • Mababang presyo ng produktong agrikultural
    • Kakulangan ng sapat na imprastraktura at puhunan
    • Kakulangan ng makabagong Kagamitan at teknolohiya
    • Paglaganap ng sakit at peste
    • Pagdagsa ng dayuhang produkto
    • Implementasyon ng tunay na reporma sa lupa
  • Mga Sagot sa Mga Suliranin ng Agrikultura
    • Tunay na implementasyon ng reporma sa lupa
    • Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
    • Pagbibigay ng subsidy sa maliliit na magsasaka
    • Pagtatayo ng mga imbakan, irigasyon, tulay at kalsada
    • Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya
    • Pagtatatag ng mga kooperatiba at bangko rural na magpapautang sa mga magsasaka at mangingisda
    • Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumapasok sa bansa
  • Mga Batas para sa Sektor ng Agrikultura
    • Land Registration Act ng 1902
    • Public Land Act ng 1902
    • Batas Republika Bilang 1160
    • Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
    • Agricultural Land Reform Code
    • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
    • Atas ng Pangulo Blg. 27
    • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988