FIL 1

Subdecks (2)

Cards (38)

  • Talambuhay ni Francisco Balagtas- Tinaguriang “Prinsipe ng Makatang Tagalog”.
  • Isinilang noong ika-2 ng Abril, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
  • “Kiko” ang ipinalayaw kay Francisco
  • Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang manilbihan bilang isang katulong sa Tondo, Maynila
  • may isang dalaga na nagngangalang Magdalena Ana Ramos ang bumihag sa kanyang puso.
  • Hindi pumayag si Jose dela Cruz na ayusin ang tula sa kadahilanang wala itong pamalit na sisiw.
  • Mula sa Tondo, lumipat si Balagtas sa Pandacan. Dito niya nakilala si Selya o Maria Asuncion Rivera sa tunay na buhay
  • Sa kagustuhan ni Kapule na hindi na makahadlang si Balagtas sa kanyang panunuyo kay Selya ay ipinabilanggo niya ito.
  • Dahil sa kabiguang ito, dito niya isinulat ang “Florante at Laura”. Nang ito ay nakalaya, dito niya nakilala si Juana Tiambeng. Pinakasalan niya ito kahit tutol ang mga magulang ni Juana dahil sa agwat ng edad nila,
  • bawian na siya ng buhay sa edad na 74.
  • Ang Florante at Laura ay akda ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
  • Karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya’y sa paglalaban ng Moro o Kristiyanong tinatawag ding Komedya o Moro-moro, gayundin ng mga diksiyonaryo at aklat panggramatika.
  • Ang Florante at Laura ay tinuturing na isang obra maestra ng panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon
  • Ang awit ay inialay ni Balagtas kay “Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan
  • Sinasabing si Dr. Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya’y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere.
  • Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulatkamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901.