CHARACTERS

Cards (17)

  • Haring Linceo – Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari
  • Duke Briseo – Ang butihing ama ni Florante at tagapayo ni Haring Linceo.
  • Prinsesa Floresca – Ang mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo at anak ng hari ng Krotona
  • Menandro – Mabuting kaibigan ni Florante at naging kaklase niya sa Atenas.
  • Antenor – Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro habang sila’y nag-aaral sa Atenas.
  • Menalipo – Pinsan ni Florante; nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya ay sanggol pa lamang
  • . Konde Sileno – Ama ni Adolfo na taga-Albanya
  • Florante – Ang anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naitapon sa gubat; kasintahan ni Laura.
  • Laura – Anak ni Haring Linceo; magandang dalagang hinahangaan ng mga kalalakihan tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay nananatiling laan lamang kay Florante
  • . Adolfo – Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang sila’y nag-aaral pa sa Atenas. Siya ang umagaw sa kahariang Albanya, nagpapatay kina Haring Linceo, Duke Briseo, nagpahirap kay Florante at nagtangkang umagaw kay Laura
  • Heneral Osmalik – Magiting na heneral ng Persiya na lumusob sa kaharian ng Krotona; napatay ni Florante sa labanan
  • Heneral Miramolin – Heneral ng Turkiyang sumalakay sa kaharian ng Albanya at nakipagsabwatan kay Adolfo sa pagpatay kay Florante
  • Sultan Ali-Adab -Ama ni Aladin at kaagaw ng anak sa pag-ibig kay Flerida.
  • Aladin – Anak ni Sultan Ali-Adab; kasintahan ni Flerida; nagligtas sa buhay ni Florante noong nasa bingit ito ng kamatayan sa mga leon sa gubat
  • Flerida – Kasintahan ni Aladin; nagligtas kay Laura at tumapos sa buhay ni Adolfo nang makitang pinagsasamantalahan ito
  • Awit- labindalawang pantig, mabagal o banayad, maaaring maganap sa totoong buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan
  • Korido- walong pantig, mabilis, hindi maaaring maganap sa buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan sapagkat may elemento ito ng kababalaghan